nikon
bumili ako ng 'nikon d40 kit' sa tipidpc.. brand new naman sya at columbia.. eto medyo baguhan pa sa photography lalo na sa slr.. saka na ako bibili ng lens pag medyo na-master ko na yung stock lens ng d40.. aktwali regalo ko to sa erpats ko so 'ginagamit' ko lang pansamantagal habang nasa cebu pa sya hehe.. meron din kasi syang nikon fm10 pero film slr sya.. kaya bumili ako ng dslr kasi wala pa syang dslr (obvious ba)
gundam no grade
eto 2 pix sa mga nabili kong gundam no grade kits.. wala pa yung high grade.. diko pa nabubuo e.. pag nabuo ko post ko dito
gundam
last week bumili ako ng mga 'gundam' models.. inuna ko mga ng (no grade).. kasi mura sya at pwedeng praktisan (assemble).. mga nabili kong no grade ay.. zgmf-x09a (justice), zgmf-x10a (freedom), zgmf-x23s (savior) at zgmf-x20a (strike freedom).. naaliw ako.. tapos bumili ako last saturday ng hg (high grade) na gundam zgmf-x09a justice.. hindi ko pa binubuo kasi tinatamad ako at may bago akong 'toy' na pinaglalaruan
update ko nalang yung blog mamaya at ilalagay ko mga pics (nasa bahay kasi mga pics at nasa opis ako ngayon nag bla-blog)
remembrance
nakalimutan ko pala i-post yung mga 'stuffs' galing sa grande island resort.. teacup,saucer,ashtray at tuwalya.. hehe.. alam ko libre lang naman to parang sa hotel :D
grande island resort
kakauwi ko lang galing sa outing.. buti hindi umuulan sa subic kahapon at nung thursday.. bali umalis kami nung thursday ng 6am at nasa maynila na kami ng (friday) 3pm.. me time na masaya at boring sa outing.. well ang boring lang naman sa akin yung games (diko talaga trip mga team building/games.. buti sana kung paguusapan mga projects mga tips/tricks para mag work out isang project yada yada.. kaso pinag gagawa namin mga games.. pero baka nga ganun talaga team building hehe).. maliban sa games ok naman
bali sa grande island resort [link] kami pumunta.. so far ok naman yung lugar.. wala akong pics kasi wala naman akong camera at iniwan ko yung samsung na cellphone (may cam na 5mp) dala ko yung k750i ko (hindi ko naman ginamit yung cam) at natutunan ko din na mas ok yung wag nalang mag dala ng camera kesa sa magdadala ka.. bakit? kasi pag hindi ka nagdala kasama ka parati sa mga pictures sa mga nagdadala ng camera hehe.. so pag dating sa office transfer transfer nalang.. o diba.. at isa pa may card reader naman mga pc namin (hi tek).. so kahit nakalimutan ng mayari yung usb cord nya pwede isaksak sa pc yung memory card ng cam nya
5 kami sa kwarto (dapat 4) pero sabi magbibigay naman daw ng banig or samthing.. kaso hindi naman binigay.. ayaw ko din naman sa malambot.. so ginawa namin tinangal namin yung mattress ng isang kama tapos kinuha ko yung mga foam sa mga upuan sa labas tapos pinatong ko nalang sa kama (medyo matigas na to) ayun me higaan na ako hehe.. 2 lang kama sa isang kwarto btw.. bawat kwarto may tv/ref/banyo/private safe/aircon/ref/coffee maker/phone.. may ip phone sila (alangan softphone diba ehehe).. kung me dala akong laptop ikakabit ko sa laptop ko yung lan ng phone tas kalikot hax0r modez..
ang ok lang sa kwarto yung banyo.. malinis at may heater!!!(gusto ko ng mainit).. ang problema naman yung tulugan medyo malamig (may aircon e).. since ayaw ko ng lamig at majority ng kasama ko gusto ng malamig.. may solution tayo dyan.. kinuha ko ang remote control ng aircon at walang makakaagaw sa akin so sinet ko ng fan mode lang yung aircon heheheheh.. kahit saan ako pumunta dala dala ko remote.. nagtataka nga sila nung tumambay ako sa pool bat me dala akong remote ng aircon.. eto lang sinabi ko.. 'ayaw ko ng lamig at baka me mag adjust ng aircon naninigurado lang ako'.. hehe yan ang fair.. aktwali nung nakita ko tulog na lahat ng tao (2am na) pinatay ko yung aircon hehe... malamig din naman kasi e
nung tanghalian na.. edi syempre kamain na kami lahat.. hinintay ko na wala ng tao sa function room (kainan) tapos pina-takeout ko lahat ng tira tirang ulam.. parang nabanas yung nag seserve kasi ako lang ata nagpapa takeout e.. pag dating sa kwarto taka sila andami ko dalang bag at styro (take out hehe).. pulutan din naman yun e.. sayang kasi at binayaran naman yun..
nag adventure din kami nung hapon.. 4 kami naglakbay kung saan-saan.. hinila ko mga kasama ko sa work.. ang adventure yung maghahanap ng risk.. pag walang sugat/dugo hindi adventure yun.. pinuntahan namin gilid gilid ng isla (isla kasi yung grande island) yung mga hindi nadadanan ng tao.. anlayo ng dinaanan namin.. sa gilid ba naman ng isla maraming bato.. mas malaki pa sa tao mga bato.. me bato madulas(lumot) me hindi me bato din na magalaw meron din hindi.. muntik na ako matumba nun.. na outbalance ako tapos yung tinatapakan kong bato magalaw pala.. kung hindi ako naka hawak agad untog ako at duguan siguro.. pero ito ang adventure e.. pinuntahan namin mga hindi pwede puntahan.. tapos nung nakalayo na kami medyo dumidilim tapos umambon pa.. kelangan na namin bumalik.. problema kung babalik kami sa dinaanan naming routa matatagalan kami.. tumataas na din yung tubig dagat.. medyo nakatakot na.. pwede kami bumalik kaso kelangan namin umakyat pataas.. ang problema pataas.. as in vertical walang kapitan hehe.. medyo may slant pero ma-outbalance ka pag tumayo ka ng diretso.. no choice sa harap namin puro bato ulit hindi namin alam kung me daan ba dun o wala.. so akyat nalang.. problema ulit nung nagsisimula kami umakyat.. ang daming bubog.. mga basag na bote at kung ano ano pa.. kasi parang tambakan ng basura aakyatin namin.. no choice tumataas tubig dagat at dumidilim sige risk akyat na.. kaka simula ko palang umakyat nasugatan agad ako sa kamay.. lintek na bubog kasi e.. sige ingat nalang.. nung nasa gitna na.. muntik naman ako ma outbalance yung kakapitan ko akala ko ugat ng puno.. lintek kahoy lang pala.. buti nalang naka hawak ako agad.. kundi rolyo ako nun pababa.. bubog na bato pa sa baba (i'm dead).. tas nung nasa tuktok na kami me guard pa.. akala siguro nya terrorista kami.. hehe off limits kasi yung lugar tapos tambakan pa.. ayun nung naka balik na kami sa sibilisasyon.. ligo ulit sa dagat.. ang dumi namin e.. hindi ko makakalimutan yung araw na yun.. masaya.. sana me videocam kami na dala.. adventure kasi talaga sya at high risk..
medyo humahaba na tong blog.. i-summarize ko nalang:
1. adventure - kung gusto nyo mag adventure sa 'grande island resort' umpisahan nyo sa entrance ng island tapos ikutan nyo yung island mula sa seashore(gilid ng dagat) marami kayong madadaanan na bato nyan pero adventure talaga..
2. food - yung ibang pagkain na ni-serve nila parang paulit ulit lang.. parang same lang yung almusal at tanghalian pero iba iba.. pero parang inulit lang yung ulam.. sample.. kung rice sa tanghalian.. fried rice sa gabi.. kung litsong manok sa tanghali.. adobong manok sa gabi hehe.. gets nyo?
3. pool/dagat - malinis yung pool.. pero pag dating sa gabi bara bara na.. me nag yoyosi na sa pool.. me nagiinuman pa nga e.. parang wala ng pakialam/antok/tinatamad na yung mga staff.. sa dagat naman parang ayos lang.. me part makati pero semi-white sand.. me part naman medyo clear pero ang daming tinik/batobato
4. rooms - ito yung da best talaga sa kanila.. malinis at maayos
5. misc - may volleyball court, playgroud, pocket bike, gun range?, banana boat, etc.. visit nyo nalang yung website..
grande island resort [link]
naruto
natapos ko na din i-dl yung buong season 1 ng naruto.. kelan ko lang kasi nalaman na tapos na pala yung season 1 meron nang season 2 (pero hindi pa tapos) so hindi ko muna sya i-ddl.. hindi ko kasi trip yung manood ng bitin.. parang one piece.. antagal na nya hindi pa din tapos hehe
2 pc ko sa bahay isang desktop(main pc) at isang firewall(gateway/test server).. parating naka bukas yung 2.. pero pag pumapasok ako sa opis alangan buksan ko yung 2.. so ginagawa ko yung firewall pc ko nandun na din yung pag dl ng torrents.. ang problema linux sya na walang x (itong pc wala ngang video card e.. tinangal ko yung pci video card nya at wala syang builtin).. tanong anong bt client na gamit ko? dati ginagamit ko bittornado (kaso wala syang dht at peer exchange) so lumipat ako sa aria2c [link] mas ok to may dht at peer exchange din.. ang ginagawa ko nalang bawat download nag bubukas ako ng 'screen' tapos download.. so kahit nasa opis ako nakaka ssh (keys) naman ako papunta sa pc ko tapos check ko kung tapos na.. ok din yung aria2c meron syang upload limit pag umabot na sa .500 yung share ratio ko pwede nyang i stop yung pag upload.. oo madamot ako hindi ako nag u-upload.. aktwali yung ratio ko naka set sa .200 hehe
karma
sinasabihan ko sa mga empleyado na umuuwi ng maaga (nauuna sa akin) na sana 'umulan' or sana 'lumakas yung ulan'.. lintek umulan nga (malakas pa).. problema ako nalang nagiisa sa opis ehe.. sakto nabalik sa aken yung ayaw kong mangyari.. di pa din ako naniniwala sa karma..
ni ni
salamat sa kard at sa regalo mong 'mini gundam'.. isa ito sa mga magagandang natanggap ko sa buhay.. (ala ako masabi e ehe..)
ulan, fx
sawakas pang umaga na ulit ako.. nakakasawa mag pang gabi.. nung una gusto ko.. pero taena di kaya.. mahirap matulog sa umaga at di maganda sa health pag gabi.. kasarap talaga ng kinakainan kong papaitan sa makati lalo na pag tanghali (parang bagong luto) pag sa gabi parang pinainit nalang.. sa tanghali pala 2 lang kinakain ko yung blue marlin na tig P60 or P80 o kaya yung papaitan P60.. dalawa lang kasi trip kong ulam nila.. da rest shitty foods na.. after kumain ng tanghalian bumibili ako ng 1liter green c2 P41 (pag walang green wag na).. oo mahal yung c2 pero gusto ko e..
bukas may meeting kami sa smart (ito ayaw ko mga meeting meeting).. well.. pag bigyan once lang naman siguro to
hindi na din ako nag ba-bag lately (mabigat e nakakatamad).. tapos pinagiisipan ko kung bibili pa ba ako ng laptop (hindi na siguro.. kasi mabigat sya at pang porma lang.. may pc naman ako sa opis at bahay e) tamad ako mag dala ng mga bag or laptop or shit (payong pwede pa).. ang mahalaga lang naman dala ko yung usb ko.. nilalagay ko sya sa coin purse (para di mawala)
kanina buti nalang nasa waiting shed na ako.. tapos bigla umulan ng malakas mga 30mins din ata yun.. tapos nung huminto ulan sakto dumating yung fx.. tapos itong si driver parang baguhan pa (sa edsa dumaan) alam naman natin na traffic talaga sa edsa dun pa sya dumaan.. yung iba kong sinasakyan na fx hindi sa edsa dumadaan.. dun sila sa tulay ng makati tatagos ng san juan, timog, quezon ave, tapos philcoa.. medyo mabilis yung routa na yun kaso problema pamatay sa manibela.. kung saan saan liliko hehe.. anywayz basta makauwi at maka-kain sa paresan.. campto soup rulez
sabado
konting araw nalang pang umaga na ulit ako.. akala ko ok maging gy.. hindi pala.. kasakit lang sa ulo tapos wasted pa sa umaga.. masakit pa sa balat yung araw.. pag pang umaga naman.. nakaka tamad gumising ng maaga tapos uuwi ng late tapos sa makati pa office mo.. pero 'masaya' yung ginagawa ko.. tiis tiis tiis
hobby
bago ako pumunta ng cebu dati 'medyo' active ako sa 'amateur radio' nung lumabas ang cellphone tinamad na din ako at maingay/malaki ang icom na gamit ko.. ngayon nag hahanap ako ng matinong hobby (kasawa pc/kasawa laro/kasawa trabaho).. naisipan ko bumalik sa pag ra-radio kaya eto binuhay ko yung icom at kumuha din ako ng isang kenwood.. lahat sila para sa 2m lang (sa ngayon lang hehe) kukuha din ako ng pang malayo.. medyo balik research/basa mode ulit pag dating sa radio.. tignan nyo nalang yung [link] para sa specs ng gadgets ko at mga updates/paano ako kontakin/groups/etc/shit
more games at canz.net
i'll be adding more flash games @ canz.net.. big thanks to those who 'submitted' their games..
kanto foods
down website ko kanina.. so ngayon ko lang na blog to.. natulog ako ng maaga kahapon 11pm palang tulog na ata ako tapos nagising ako ng 7am.. parang ok diba? pero hindi sya ok.. maayos nga tulog ko pero me pasok ako mamayang gabi.. sira nanaman body clock ko ehe.. sarap ng panahon ngayon umuulan.. eto nagbibihis ako at lalabas.. maghahanap ako kung merong tulak goto/mami/pares or kahit anong di tulak na mainit na pagkain hehe.. kung nasa makati ako ngayon kumain na ako sa suki kong tulak pares.. lalo na sa umaga.. ang sarap mainit kanin nya hehe..
*update*
wala ako nakitang kanto init foods.. bagsak ko din sa mcdo.. umorder nalang ako ng sausage mcmuffin w/ egg at kape
i resign
medyo matagal na din akong hindi nag blog (dahil sa katamaran).. kwento ko nalang mga nanyari sa aken (work related) this past few months.. nag file ako ng resignation sa dati kong employer last march 1 and effective ng resignation nung april 1.. medyo hindi ko kinaya yung pulitika at sobrang daming meetings (hindi naman ako kumikibo pag me meetings kasi nakakabato ang meetings) minsan kasi ok meetings nagsasayang ng oras pero minsan/madalas nakaka walang gana mag meeting.. technical guy ako and hindi ko gusto mga meetings.. tapos dagdagan pa ng pulitika (marami may gusto sa position ko kasi siguro malaki sahod? maganda? core ng kumpanya? and whatever shitty reasons.. sa kanila nalang) nagustuhan ko nung una yung position... inalok pa nga ako ng laptop (w/c is kelangan ko talaga) and tinanggihan ko... mas pabor pa ako sa malaking monitor sa desktop ko kesa laptop
main reason ng resignation ay: meetings(ayaw ko!), daming projects(pros: daming pera para sa kumpanya | cons: nag iisa lang ako, magulo systema, sabog database, halo halong apps, kanya kanya code, ako namamahala sa system, ako nag proprogy, ako admin), better offer sa ibang kumpanya
kaya eto from systems manager naging lead developer ako ng isang content provider.. ok naman mga projects nila lahat mga big time yung clients nila.. mas malaki yung sahod kumpara sa dati tapos may allowance pa ako tapos open yung time(ito yung hinahanap ko talaga).. pero sa ngayon pang gabi ako for one month dahil may running na promotion at bantay ako ng logs hehe.. hahasa yung programming skillz ko dito kasi mga ginagawa ko backend based apps (masaya to) ang problema nga lang masyado malayo yung office :( nasa makati sya hehe.. marami nga nagsasabi di ako tatagal ng 6mos. well.. tignan nalang natin
k0n sizzling pepper steak
last week bumili ako ng 'raw' beef sa robinson's.. nagbabalak kasi ako magluto ng sarili kong 'pepper steak' parang yung sa sizzling pepper steak sa trinoma.. syempre n00b pa ako at mali mali ginawa ko.. hindi ko na dapat binabad sa toyo, suka, kalamansi etc.. pero syempre naguumpisa palang naman hehe.. ito ang bago kong trip.. anyways bibili kami ni koree siguro mga next month ng bbq grille at para masubukan na din mag grille medyo japex pa ginagawa ko ngayon pero masarap pa din naman hehe..
sa susunod mas ok na






