bago ako pumunta ng cebu dati ‘medyo’ active ako sa ‘amateur radio’ nung lumabas ang cellphone tinamad na din ako at maingay/malaki ang icom na gamit ko.. ngayon nag hahanap ako ng matinong hobby (kasawa pc/kasawa laro/kasawa trabaho).. naisipan ko bumalik sa pag ra-radio kaya eto binuhay ko yung icom at kumuha din ako ng isang kenwood.. lahat sila para sa 2m lang (sa ngayon lang hehe) kukuha din ako ng pang malayo.. medyo balik research/basa mode ulit pag dating sa radio.. tignan nyo nalang yung [link] para sa specs ng gadgets ko at mga updates/paano ako kontakin/groups/etc/shit
i’ll be adding more flash games @ canz.net.. big thanks to those who ‘submitted’ their games..
down website ko kanina.. so ngayon ko lang na blog to.. natulog ako ng maaga kahapon 11pm palang tulog na ata ako tapos nagising ako ng 7am.. parang ok diba? pero hindi sya ok.. maayos nga tulog ko pero me pasok ako mamayang gabi.. sira nanaman body clock ko ehe.. sarap ng panahon ngayon umuulan.. eto nagbibihis ako at lalabas.. maghahanap ako kung merong tulak goto/mami/pares or kahit anong di tulak na mainit na pagkain hehe.. kung nasa makati ako ngayon kumain na ako sa suki kong tulak pares.. lalo na sa umaga.. ang sarap mainit kanin nya hehe..
*update*
wala ako nakitang kanto init foods.. bagsak ko din sa mcdo.. umorder nalang ako ng sausage mcmuffin w/ egg at kape
medyo matagal na din akong hindi nag blog (dahil sa katamaran).. kwento ko nalang mga nanyari sa aken (work related) this past few months.. nag file ako ng resignation sa dati kong employer last march 1 and effective ng resignation nung april 1.. medyo hindi ko kinaya yung pulitika at sobrang daming meetings (hindi naman ako kumikibo pag me meetings kasi nakakabato ang meetings) minsan kasi ok meetings nagsasayang ng oras pero minsan/madalas nakaka walang gana mag meeting.. technical guy ako and hindi ko gusto mga meetings.. tapos dagdagan pa ng pulitika (marami may gusto sa position ko kasi siguro malaki sahod? maganda? core ng kumpanya? and whatever shitty reasons.. sa kanila nalang) nagustuhan ko nung una yung position… inalok pa nga ako ng laptop (w/c is kelangan ko talaga) and tinanggihan ko… mas pabor pa ako sa malaking monitor sa desktop ko kesa laptop
main reason ng resignation ay: meetings(ayaw ko!), daming projects(pros: daming pera para sa kumpanya | cons: nag iisa lang ako, magulo systema, sabog database, halo halong apps, kanya kanya code, ako namamahala sa system, ako nag proprogy, ako admin), better offer sa ibang kumpanya
kaya eto from systems manager naging lead developer ako ng isang content provider.. ok naman mga projects nila lahat mga big time yung clients nila.. mas malaki yung sahod kumpara sa dati tapos may allowance pa ako tapos open yung time(ito yung hinahanap ko talaga).. pero sa ngayon pang gabi ako for one month dahil may running na promotion at bantay ako ng logs hehe.. hahasa yung programming skillz ko dito kasi mga ginagawa ko backend based apps (masaya to) ang problema nga lang masyado malayo yung office
nasa makati sya hehe.. marami nga nagsasabi di ako tatagal ng 6mos. well.. tignan nalang natin