no blog
medyo matagal na din hindi ako nag blog (ilang beses ko na ba nasasabi to?) kung nagtatanong kayo kung bakit.. 1st busy ako sa work (yep serious yan).. 2nd nakakatamad (isa akong tamad).. 3rd busy sa kakalaro (natural sayang naman yung 4870oc ko).. 4th uh nakakatamad
medyo masaya ako sa work ngayon.. aktwali sa lahat ng napasukan ko dito ako masaya kasi challenging (hindi katulad sa iba admin lang ako walang challenge) ngayon programmer na ako hehe.. problema lang malayo yung work nasa makati at hindi basta basta sa sa makati nasa chino roces.. medyo mahabang lakaran para makapunta sa ayala.. pero walang problema yan.. kasi araw araw ako nag ta-taxi papunta at pabalik (katulad ng sinabi ko tamad ako).. gastos ko sa transpo aabot na agad ng P500.. wala pang kain yan.. kaya konti lang naiipon ko hehe.. aktwali nagbabalak naman sila lumipat sa ‘the fort’.. pero ganun pa din malayo.. unless bigyan nila ako ng condo..
ano ginagawa ko sa work? isa akong lead programmer (yep.. pinagyayabang ko yan kasi hindi talaga ako programmer by default hehe) at meron din akong 4 na hinahawakan na programmers (php/asp/vb/vb) ang kulang ko nalang is java (aktwali naghahanap ako ng matinik na ui developer either java or vb bastat marunong lang mag sockets)
gumawa ako ng api namin.. bali lahat ng programmers co-connect sa aken tas ako mag bibigay ng data (i do the dirty work).. nung una soap yung ginawa ko.. kaso may drawback sa soap… masyado mataba yung data (xml!) tapos may http overhead pa.. so gumawa ako ng socket service (ginaya ko yung packet format ng cimd2 [link] at ucp/emi [link] na merong zlib compression [zlib]).. so far ambilis.. gulat nga yung yung vb programmer namin.. nung una ang bagal sa soap.. matagal mag export sa datagrid nya tas etong sockets mas mabilis pa kaysa kumonek sa sql mismo hehe.. dahil nilagyan ko ng compression.. sa 16kb worth of data nagiging 8kb lang.. nabigyan din ako ng idea ni lagur.. gamit ako ng binaryreader at mag stick ako sa 8byte packet.. pabor yun kung integers ang data pero kung strings uh… siguro pag may time mag eexperimento ako.. kaso mahihirapan yung mga php programmers.. kelangan yung api ko open sa lahat..
yung nature ng work ko ngayon ay bpo(outsourcing).. karamihan ng clients namin ay government agencies.. hinahandle namin yung computerization ng system nila, sms service at voice service..