Archive

Archive for January, 2009

dost3

January 16th, 2009 admin No comments

dost – piracy – warez

Categories: Uncategorized Tags:

dost and piracy

January 16th, 2009 admin No comments

dati may nabasa ako sa manila times na nagsasabi na ginawa ang bayanihan linux para mabawasan ang piracy.. pero napadaan ako sa isang website ng DOST at akalain mo gumagamit din pala sila ng pirated softwares.. dapat nga sila yung parang role model natin na gumamit tayo ng free/legal softwares! pero hindi e.. e halos lahat naman tayo dito sa pinas gumagamit ng pirated.. aminin na natin.. magastos bumili ng os, softwares, utilities etc at madali ma-download lahat nyan sa bittorrent.. kung hindi man techie merong installers na binibenta sa tabi-tabi..

ang masasabi ko lang sana yung BSA ay mag inspect/raid din ng government offices lalo na dyan sa DOST, hindi lang mga private companies (may kickback?)..

at yung bayanihan linux.. para sa akin ay waste lang ng budget.. based(fork?) din naman sya sa debian.. edi mag ubuntu nalang (updated pa araw araw.. may mga security fixes pa)..

heto screenshots… kung burahin man nila (hugas kamay)..

dost - piracy - warez

dost - piracy - warez

dost - piracy - warez

Categories: Uncategorized Tags:

dost2

January 16th, 2009 admin No comments

dost – piracy – warez

Categories: Uncategorized Tags:

dost1

January 16th, 2009 admin No comments

dost – piracy – warez

Categories: Uncategorized Tags:

wordpress, update

January 14th, 2009 admin No comments

nag update ako ng mga packages sa vps..  mga na update ko ay php5.2.8, mysql 5.1.30, at bind9 9.3.4..  nilipat ko na din blog ko sa wordpress.. tamad na tamad na kasi ako mag code/update/maintenance ng site ko.. at least dito madali mag maintain.. pero syempre kelangan ng konting tweaks sa wordpress (kasi by default mamaw sya kumain sa resources/db storage) at sa mga new sites na gagawin ko gagamitan ko nalang ng wordpress.. para saglit lang may site na..

minsan mag po-post din ako ng mga programming techniques dito (as if magaling ako) pero malay natin may makatulong.. since lahat naman ng natutunan ko galing din naman sa google

Categories: Uncategorized Tags:

3ncyption

January 8th, 2009 admin No comments

kanina lang ako pumasok sa work.. dapat nung monday pa pero.. uhhh.. alam nyo na kung bakit hehe..

ano meron sa bagong taon? marami:
1. nagbabalak lumipat ng office (balak nila sa west ave.) super saya ko nyan kung matuloy man.. kasi ang lapit lang nun dito
2. sumasaya ako as a programmer (for short improving)
3. bumili ako ng flash drive sa cdrking ‘kingmax’ yung brand at 8gb sya for P880.. ambilis nya magkopya ng files kumpara sa 2gb ko na kingston.. gaano kabilis? (meron akong 6 na files na 7gb total size.. nakopya nya sa hd ng wala pang 7mins) ang weird nga e bat ang bilis
4. muntik na ako bumili ng wii (buti nalang napigilan ko at may plano din ako na kelangan ng malaking pera)
5. ninong ako sa kasal ng isang office mate ko (first time.. kung matuloy hehe)
6. 2 years na kami ni koree (improving! kahit puro away)
7. masaya ako sa current work ko at sana tumagal pa at mas maraming challenge
8. naka dual lcd ako sa work (kahit di maganda yung lcd pwede na.. isang view sa code at isang view sa output)
9. malapit na summer (sa ngayon tiis pa.. pero pag dating ng summer panalo!.. ayaw ko kasi ng lamig.. gusto ko pinapawisan ako at mainit)

regarding encryption naman.. well maganda yung takbo ng api/service ko ngayon pero pag dating sa labas (wan/labas ng network) hindi na safe yung packet.. madali ma sniff yung transmission.. so kelangan ng ‘security’ una nag try ako ng 3des [link](ginagamit pa to kahit luma na lalo na sa mga payment terminals, atm machines? etc.. ) ang problema nito.. hindi sya ganun ka secure pero matinding hacks ang gagawin kung may nagbabalak man ng masama.. at madali i-implement ang usap ng .net at php.. tapos nag try din ako ng rijndael aes [link] (eto ang matindi.. approved ito ng NSA para sa mga top secret information.. marami ako nakikita na unbreakable daw ito lalo na yung 256bit.. eto yung pinaka sikat at parang nagiging default encryption ng mga programmers) so sa progy ko may 2 option either 3des at aes kahit alen sa dalawa pwedeng gamitin (nase-set naman sa config file).. ang teknik lang naman sa mga encryption e yung paano mo naseset yung key/salt.. so kahit anong encryption talaga ok bastat maganda yung pag set mo ng salt.. pwede mo itago sa sha1/md5/hex etc..

meron kaming dalawang government agency clients.. at meron kaming mga front-end applications na nasa kanila na kumukonek sa amen via tcpip (kaya kelangan namin i-secure yung packet) alam mo na ngayon.. maraming loko loko.. mag tap/spy/sniff/hack etc.. mabuti na safe kesa ma sisi.. sa susunod naman mag susuggest ako ano pinaka ok na obfuscator app para sa .net (safe nga packet mo.. eh paano naman yung application/dll) dyan na papasok ang obfuscation.. sa ngayon naghahanap pa ako ano matino.. yung iba kasi puro shareware tas ang mamahal pa.. hindi din pwede dotfuscator (free sya sa visual studio) kami sa office kasi puro kami vs express (free sya) lahat kasi ng kelangan namin nasa express editions naman.. no need magbayad ng mahal pa.. ang nakikita ko lang advantage ng studio ay merong 64bit compilation at windows mobile dev support

Categories: Uncategorized Tags: