Home > Bohol > bohol

bohol

November 7th, 2010 admin Leave a comment Go to comments

ngayon lang ako naka gamit ng stable net connection for 2 weeks.. eto nasa mciaa (mactan international airport authority) ako.. pauwi na ng manila.. delayed ang flight namin due to bird strike..

anyways try ko maalala kung ano mga nangyari nung nasa bohol kami for 5 days..

unang una nasira na ang plan kasi napuno yung fast craft na sasakyan sana namin (ocean jet) so naurong oras at nasira ang sched sana nag supercat nalang kami.. at isa pa ang pangit ng ocean jet medyo mahal pa ng konti.. mas maganda supercat kasi yun sinakyan namin pauwi.. parang nasa plane ka sa supercat.. malinis, mabilis at hindi maalog.. di katulad ng ocean jet na medyo madumi at maalog..

nag stay kami sa whites and greens.. unang kita ko palang sabi ko kulang ang 2 nights dito gawin ng 4 nights.. mura sa whites and greens (P2,000 per room) good for 2 persons.. malinis sa whites and greens tahimik at walang night life.. well yun naman talaga hinahanap namin ni koree tahimik na walang gulo.. ayaw namin ng mga party party at mga lasing na nag iingay sa bar..

first day namin since late na kami dumating (nasira plan) tumambay lang kami sa beach at natulog nalang..

second day nag day tour (bohol landmarks) kami salamat kay manong tatsky sa tour (kilala si manong tatsky sa pag tour ng bohol).. kasama dito baclayon church, chocolate hills, tarsiers, floating buffet lunch sa loboc river at kung ano ano pa

third day nag island hop kami.. salamat again kay tatsky at sya na nag setup ng island hop namin.. kasama dito dolphin watching, balicasag island, coral snorkling yada at virgin island

fourth day.. rest day ito at puro beach lang.. nagsunog lang ako ng balat sa kakalakad sa beach.. picture dito at picture doon…

fifth day.. bumalik na kami sa cebu.. pero bago bumalik nag stop over muna si koree sa bohol bee farm para kumain ng organic salad.. kakaibang salad sya puro bulaklak (fresh).. sumakay na kami ng supercat kaysa ocean jet shit na yan ang pangit at ang mahal pa..

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.