i resign
medyo matagal na din akong hindi nag blog (dahil sa katamaran).. kwento ko nalang mga nanyari sa aken (work related) this past few months.. nag file ako ng resignation sa dati kong employer last march 1 and effective ng resignation nung april 1.. medyo hindi ko kinaya yung pulitika at sobrang daming meetings (hindi naman ako kumikibo pag me meetings kasi nakakabato ang meetings) minsan kasi ok meetings nagsasayang ng oras pero minsan/madalas nakaka walang gana mag meeting.. technical guy ako and hindi ko gusto mga meetings.. tapos dagdagan pa ng pulitika (marami may gusto sa position ko kasi siguro malaki sahod? maganda? core ng kumpanya? and whatever shitty reasons.. sa kanila nalang) nagustuhan ko nung una yung position... inalok pa nga ako ng laptop (w/c is kelangan ko talaga) and tinanggihan ko... mas pabor pa ako sa malaking monitor sa desktop ko kesa laptop
main reason ng resignation ay: meetings(ayaw ko!), daming projects(pros: daming pera para sa kumpanya | cons: nag iisa lang ako, magulo systema, sabog database, halo halong apps, kanya kanya code, ako namamahala sa system, ako nag proprogy, ako admin), better offer sa ibang kumpanya
kaya eto from systems manager naging lead developer ako ng isang content provider.. ok naman mga projects nila lahat mga big time yung clients nila.. mas malaki yung sahod kumpara sa dati tapos may allowance pa ako tapos open yung time(ito yung hinahanap ko talaga).. pero sa ngayon pang gabi ako for one month dahil may running na promotion at bantay ako ng logs hehe.. hahasa yung programming skillz ko dito kasi mga ginagawa ko backend based apps (masaya to) ang problema nga lang masyado malayo yung office :( nasa makati sya hehe.. marami nga nagsasabi di ako tatagal ng 6mos. well.. tignan nalang natin
k0n sizzling pepper steak
last week bumili ako ng 'raw' beef sa robinson's.. nagbabalak kasi ako magluto ng sarili kong 'pepper steak' parang yung sa sizzling pepper steak sa trinoma.. syempre n00b pa ako at mali mali ginawa ko.. hindi ko na dapat binabad sa toyo, suka, kalamansi etc.. pero syempre naguumpisa palang naman hehe.. ito ang bago kong trip.. anyways bibili kami ni koree siguro mga next month ng bbq grille at para masubukan na din mag grille medyo japex pa ginagawa ko ngayon pero masarap pa din naman hehe..
sa susunod mas ok na
gastos
sabi ko sa sarili ko... this year video card lang bibilhin kong pyesa para sa pc ko.. subalit naparami pa din gastos ko.. hindi lang vc ang ginastos ko pati na din casing at psu... at susunod 160gb hd na din :(... anyways last week bumili ako ng 'gecube 2600xt ddr4' sa pchub at kahapon bumili ako ng 'hec 550w at lian-li pc-g7' sa 'xt pro computer sales' sa virra mall... yung '2600xt' ay nasa P4,550 (mura sa pchub at salamat sa tpc) tapos yung hec 550w P3,500 (xt pro computers) yung lian-li na pc-g7 ay P3,800 (xt pro computers pa din) medyo nakilala naman din ako nung nagtitinda at napamura ng konti.. (dapat kay seamax ako bibili kaso wala namang stock yung hec).. anyways natuwa naman ako at lumuwag na yung pc ko kaso me problema pa din ako sa oblivion... try ko format.. pag ganun pa din pwede na yung mobo or vid me sira at isosoli ko parehas hehe.. pics!
liteon lh-20a1s
galing ako sa 'virra mall' kanina at bumili ako ng liteon dvd writer.. binili ko yung P1,350 na liteon (lh-20a1s 9l07).. kumuha na din ako ng 100pcs. na dvdr sa cdrking.. marami akong i-buburn at sira na din kasi yung luma kong liteon dvd writer.. sa pcx ko binili yung writer mabilis transaction + (1yr warranty, 1mo. replacement) at magalang ang staff ng pcx sa virra di katulad sa iba walang inatupag kundi ym at tamad sa trabaho (lalo na sa gilmore)
manny pacquiao scandal
boxing fans at mga menyek ito para sa inyo.. mamatay kayo sa inggit kay manny(money).. dahil may manny sya at nakakakuha(nakakabili?) sya ng mga chix.. at hindi lang yun ang mga chix mismo ang lumalapit kay manny kasi meron syang money.. hehe.. madalas daw tumambay sa 'embassy' (the fort) si manny.. kaya kung gusto nyo maki join punta na!.. iba na talaga pag me pera :(
sizzling pepper steak
pumunta kami kahapon ni koree sa trinoma.. nag ikot-ikot kami at tumingin ng kung ano ano.. pero ang pakay talaga namin ay kumain (hindi pa kasi ako kumakain non) kaya nag hanap kami ng magandang kainan.. nakita namin yung 'sizzling pepper steak' ang weird nga e japanese style yung restaurant pero puro sizzling specialty nila at isa pa wala silang mga maki, noodles etc.. hehe pero yun nga gusto ko mga steak hindi ko talaga trip mga japanese foods.. kahit ano basta sunog panalo sa tyan ko :D... halos kasing presyo nila yung sa racks pero mas gusto ko dito sa 'sizzling pepper steak' kasi malaman yung ribeye at masarap.. kinain ko ribeye large(P395), rice(P?? ewan) at icetea(P65?).. si koree naman kiddy meal(P195 - burger steak, carbonara, ebi fry, ice tea).. ang nagustuhan ko yung 'pepper' nila parang iba kasi kumpara sa mga regular na pepper.. ewan... o dahil gusto ko lang siguro yung pagkain.. tinadtad ko ng pepper yung ribeye at isa pa parang niluluto mo na din yung steak sa harap mo (meron silang 'patended' na 'hot plate system' shit kuno)
sa susunod namin pumunta sa trinoma siguradong doon ulit kami kakain hehe
2007 year end shits
bago matapos ang taon na ito sasabihin ko mga nangyari at mga nagawa ko..
last month bumalik na ulit ako sa pagiging robot(full time work).. semi-flexible naman yung oras ko pero hanggang 11am lang.. hindi ako pwede lumagpas ng 11am kundi considered ng late yun.. matatawa kayo pag sinabi ko na la-late pa din ako tapos 'araw araw' ako sumasakay ng taxi.. mula sa amin hangang eastwood ay 140-160(paiba-iba ang bayad me meter na mabagal me meter na mabilis eh iisa lang naman daanan).. pinapadaan ko sa philcoa(cp garcia) pag barado naman sa cp garcia dun ko pinapadaan sa loob ng up na yung labas nya yung malapit sa asti.. anyways.. challenging yung position ko ngayon medyo nakaka stress at ubod ng office politics pero masasanay din ako
hindi mawawala yung trip ko sa mga junk/exotic foods.. trip ko pa din tuyo,isaw,botchi,atay,balun-balunan,goto,mami at tokwa.. pag nasa office naman konti lang choices ko sa pagkain madalas kinakain ko papaitan, beef steak(ang tagal lutuin), lumpia, tokyo tokyo at kfc.. hindi ko alam ano tawag dun sa mini-canteen sa taas ng tokyo tokyo pero ubod ng sebo yung papaitan nila (bakit pa ako kumakain dun? trip ko papaitan at masarap kahit me sebo hehe).. pag sa malls naman kasama si koree madalas kami sa sizzling steak, sizzling seafoods, kenny, sbarro, kfc, shakeys, yellow cab at mongkok.. pero lately madalas kami sa inasal bacolod.. next year magiging 'year of the chicken' ang theme ng pagkain namin.. expect ko next year madalas kami sa inasal, racks at kenny.. speaking of racks unang sahod ko nilibre ko si koree sa racks..
nag quit na ako uminom(alak).. nung early december nag inuman kasi kami tapos kinabukasan ang sakit ng katawan ko.. 2 araw ako hindi pumasok.. lintek na 'something fishy' yan.. me lason ata yung alak nila or yung pagkain nila.. ironic.. nag inuman ulit kami (hindi ako uminom) yung isa 2 araw den hindi pumasok.. sumakit den yung katawan nya hehe.. sabi nila baka me kalawang yung bote.. either way nagka trauma na din ako malala nangyari sa aken e.. kung kayo nasa eastwood at gusto nyo mag-inuman wag kayo sa 'something fishy' sa iba nalang kayo.. something fishy talaga yung mga ni-seserve nila.. pero yun lang alam kong mura na inuman dun e.. sa yosi naman.. sabi ko bawasan ko paninigarilyo ko.. well nabawasan naman.. pero nag yoyosi pa din ako..
ngayon taon na ito medyo hindi ako nagbibili ng mga gadgets.. at ini-expect ko next year hindi din ako mag uupgrade or bibili ng mga pc parts.. aanhin ko pc kalahati ng araw nasa office ako.. 2 lang nasa isip ko bilhin next year.. pda at relos.. uunahin ko na siguro relos.. nagtitingin na din ako at puro casio yung trip ko.. ayaw ko ng g-shock gusto ko yung pathfinder series ng casio.. [link] [link] [link] [link] [link] kahit ano sa limang yan trip ko.. prefer ko yung 'PAW1300 Series' sana me makita ako nyan dito.. pag sa pda naman.. ok na ako sa xda atom [link] or yung HP Ipaq 6828 [link] parehas lang sila ng specs: intel 420mhz, wm5 etc.. so ayun.. maliban sa pda at relos wala na.. wala na akong balak bumili ng vc kahit sira na video card ko (hindi ako pwede maglaro ng games kundi me mga red/green dots na lumalabas) sabi sa google me sayad na yung memory ng video card.. kung bibili man ako ng video card malamang mga low end na (less than 4k) hindi mga gtx type
addict na ako sa kape ngayon.. nag start ako bumili ng grinded beans mga mid-2007.. at balak ko bumili nga mga coffee stuffs next year.. katulad ng grinder, pots at espresso machine etc.. nagbabasa at member din ako sa forum ng coffeegeek (coffeegeek.com) pag dating sa espresso naman paborito ko sa pancake house, figaro, coldstone(ibm plaza 11th floor) at bo's (in order).. hindi ko pa na try sa starbucks at seattle's best.. bakit #1 ko sa pancake house? andami kasi hehe.. ang double espresso nila parang isang cup na.. pag hindi espresso bibilhin ko either black or americano .. walang asukal or cream.. no shits.. pure coffee
nag start ako mag php5 lately.. pero hindi ko naman nagagamit ngayon since busy ako sa work at hindi din applicable sa work (me nagawa akong isa at gamit sa production).. maliban dun wala na.. ginawa ang php5 as alternative to asp.. sad to say maka microsoft kami sa work hehe.. mcp nga ako pero wala ding silbi.. pero pag me free time ako nag pra-practice ako ng soap (web services).. hirap ako sa wsdl pag walang nusoap [link] ang kelangan ko i-focus ngayon ay windows 2003, ms sql 2005, .net1 at ios(cisco).. salamat sa google ang daming ebooks
going strong pa din relationship namin ni koree nakaka 1yr+ na.. madalas kami mag away pero na aayos din naman.. walang kwenta ang relasyon pag hindi nagaaway diba?.. bumili ako ng batman novel book para sa bday nya at bibili ulit ako ng batman (yung part 2 nun) pang xmas gift siguro ehe
airline cabin announcement
All too rarely, airline attendants make an effort to make the in flight 'safety lecture' and announcements a bit more entertaining. Here are some real examples that have been heard or reported:
On a Continental Flight with a very 'senior' flight attendant crew, the pilot said, 'Ladies and gentlemen, we've reached cruising altitude and will be turning down the cabin lights. This is for your comfort and to enhance the appearance of your flight attendants.'
'In the event of a sudden loss of cabin pressure, masks will descend from the ceiling. Stop screaming, grab the mask, and pull it over your face. If you have a small child traveling with you, secure your mask before assisting with theirs. If you are traveling with more than one small child, pick your favorite.'
'As you exit the plane, make sure to gather all of your belongings. Anything left behind will be distributed evenly among the flight attendants. Please do not leave children or spouses.'
Overheard on an American Airlines flight into Amarillo, Texas, on a particularly windy and bumpy day: During the final approach, the Captain was really having to fight it. After an extremely hard landing, the Flight Attendant said, 'Ladies and Gentlemen, welcome to Amarillo Please remain in your seats with your seat belts fastened while the Captain taxis what's left of our airplane to the gate!'
Another flight attendant's comment on a less than perfect landing: 'We ask you to please remain seated as Captain Kangaroo bounces us to the terminal.'
After a particularly rough landing during thunderstorms in Memphis, a flight attendant on a Northwest flight announced, 'Please take care when opening the overhead compartments because, after a landing like that, sure as hell everything has shifted.'
We're now preparing to land at San Francisco International Airport . Kindly straighten up your seats, turn off all electronic gadgets, pull up your window shades and buckle up for safety. We hope you enjoyed flying with us as much as we did.
Sa wikang atin po, tayo po ay papalapag na sa paliparang pangkalawakang internasyonal ng San Francisco . Paalala po lamang sa ating mga kababayan -- ang mga unan, kumot, headset at iba pang kagamitan sa eroplano ay di po kasama sa pasalubong. Huwag po lamang baklasin ang LCD-TV na nakadikit sa silya.
james bond complete
bumili ako ng 10 biogesic, 5 neozep (drowse), 5 neozep (no drowse), 1 bactidol, 2 pack ng strepsils.. medyo makati lalamunan ko at medyo paos ang bosses.. kulang lang to sa kape... umorder den ako ng yellow cab at ang tagal nya dumating.. sabi nila 30-45 minutes e.. mag iisang oras na wala pa din :(
hinda pa tapos yung dina-download kong 'james bond complete special edition' lahat ng james bond movies maliban sa casino royale nandun.. syempre galing sa 'thepiratebay' 27.5GB yung total size nya
kahapon natapos din yung dinadownload kong 'x-men the animated series' nasa 10.5GB naman sya.. kumpleto season 1-5.. eto yung pinapalabas sa #2 dati kung naalala nyo pa
phpug-ph first developers conference review
ngayon ginanap yung 'first' 'official' php developer conference sa pinas.. official sabi nino? sabi ng group of forum moderators hehe.. anyways kung isa kayo sa mga pumunta me natutunan ba kayo? or payabangan ng gadgets, payabangan ng position sa trabaho, nakahanap ka ng papa, nakahanap ka ng chicks.. pusta ko wala kayo natutunan :)... sasabihin ko na agad hindi ako pumunta at wala akong balak pumunta kahit libre pa sya.. aktwali hindi libre me bayad pa.. nung nagka 'debian' 10yrs anniversary dito last 2004 voluntary ang bayad at kkb pa nga ata.. ayos din rumaket mga tao ngayon.. pera nga naman!
isa-isahin natin yung mga plans sa event:
lahat ng topic na yan consired isang topic diba... bat pa ginawang 3? php and mysql... lamp for life.. eh for short php at mysql pa din naman.. bakit pa hiniwalay.. ah siguro para malagay sa resume nila 'speaker' ako sa ganitong event.. nice.. sana naki join na din ako siguro topic ko 'lamp 101 - it trends' o diba :)
PHP and MySQL (Database) by Gavin Lim (Training Coordinator, Activelearning)
IT Trends (Business) by JR Yap (Executive Consultant, MyPortal Exchange Inc.)
LAMP for Life: The Beginning to Infinity (PHP/MYSQL/APACHE/LINUX) by Edison Go Tan (Head, National Broadcasting Network New Media Division)
ito ang the best part.. 'intermediate'.. kung isa kang intermediate user/developer gagamit ka ba ng 3rd party apps? oo para mapabilis trabaho.. professionally speaking tama ba ito? ini-expect ko topics ng intermediate tungkol sa sockets, creating php modules, classes... ito pa ok yung isa dyan nilagay pa nya 'San Francisco' hayop.. wala ba maglalagay 'Manila, Philippines'? bakit? ah jologs tignan pero pag US ok pakingan.. typical payabangan ng pinoy.. tapos yung isa pa dyan junior developer.. hehe ayos ulit
Drupal and Zend Studio (PHP) by Roger Filomeno (Mobile Specialist, TechBiz Asia Group Pte Ltd)
Mambo Management Basics for Educational/Governenment/Enterprise Sector Applications by Richard Peter Ong, (Core Development Team, Mambo CMS, System Administrator and Software Developer for SysIQ, San Francisco)
Using AJAX with PHP (PHP) by Reynold E. Lariza (Junior Developer - SimpleSoft Inc.)
wow singapore yung isa nakaka inggiittt namaaannn :)).. wala bang maglalagay ng Manila, Philippines?... ito advance topic.. tapos yung isa dyan (RAD).. alright pag advance user ka gamit ka ng rad.. nice.. zend core and oracle for the lazy.. alright pang advance nga..
Test Driven Development in PHP: Recap (PHP) by Andre John Cruz (Application Developer, Barclays Singapore)
Zend Core and Oracle for the Lazy (Database) by Clodelio Delfino (Moderator/PHPUGPH)
Web Application Security by Eduardo Tongson (Keywest Technologies Corporation, IT Manager)
CakePHP Revisited - Challenging the claims of Rapid Application Development (RAD) by Reuben Ravago (OLM Technologies, CEO)
ito lang 'short summary' ng mga pinagsasabi ko:
1. sa mga speaker (salamat sa mga pumunta at may malalagay ako sa resume ko na speaker ako)
2. sa mga pumunta (mailalagay ko PHP Developers Conference under 'seminars')
3. sa mga organizers (yes me konting kita)
4. sa mga sponsors (90% company/projects ng mga forum members / advertising)
5. sa mga walang gf (dami chicks :D)
gulo sa makati
me gulo nanaman kanina sa makati.. pangalawang beses na papansin talaga yang trillanes na yan.. sana nga binaril nalang sila.. me nabasa pa ako sa inquirer:
nagpapatawa ba sya? sino yung everybody nya? dapat hindi nalang sya lumabas at binaril nalang "sila" matutuwa pa siguro ako..
personal / political reasons.. gagawa nalang sya ng gimik palpak pa..nasan rally? sino magbabayad sa mga "nasira" nya..
e syempre hindi naman sya political figure in the first place.. isa syang uto uto at wala namang alam sa batas
personal reasons again.. tanga talaga
nabanas lang ako ngayon diko nabasa lately yung mga "articles" ni dolly anne carvajal hehe.. kung hindi nyo sya kilala nako po....
lipat na
nilipat ko yung domain (uruha.org) sa aming vps server.. medyo walang kwenta na yung philhosting overloaded na masyado yung servers nila at parating down.. ililipat ko den yung music site (doryusen.com) sa vps para magamit naman yung bandwidth namin..
hindi ako masyado naka pag post ngayon kasi medyo busy ako last month sa dalawa kong site (doryusen.com at canz.net) at ngayon hindi ko din ma-update yung doryusen.com at canz.net kasi busy ako sa work(naks ikaw ba yan x)
anyways medyo naging busy din ako sa work akala ko nung una petiks petiks lang.. mga ginagawa ko da usual php/c# apps pero me pinagawa sa aken pinili ko yung php soap or php get/post.. katumbas naman ng php soap yung c# webservice.. ang nahirapan lang talaga ako yung ms-sql.. syempre database choice ko is mysql pero sa work walang mysql hehe.. at isa pa masyadong complicated mga queries paiba-iba ng tables at database..
friday sa wakas!.. rest day bukas at sunday.. pag dating sa lunes polo/khaki/leather shoes till thursday.. civilian/k0n style getup sa friday.. ulit-ulitin mo nalang.. isa na akong typical robot
rom updates
nag update ako ng latest mame (0.120) at syempre sdlmame (0.120a).. binura ko na din yung cvs ng xfree86 at nag stick nalang ako sa xorg (debian package) gtk at kde naka debian package na din.. tinatamad na den ako mag compile at hassle/kakatamad na mag compile hehe.. maliban sa mplayer/e16/wine from svn/cvs/git pa din yung sources nila at kino-compile ko pa din (luma kasi yung debian package kahit unstable package pa)

transcend jetram 1gb
bumili ako ng 1gb mem sa isang tipidpc member nung isang araw.. nakipag meet ako sa kanya sa philcoa (aktwali matagal na pala sya naghihintay nung time na yun at nag tetext daw sya pero hindi ako sumasagot.. buti nalang nag text daw ako.. kasi mali yung number na binigay ko.. kundi umalis na daw sya) hehe.. kumuha ako ng transcend 1gb ddr2 800 sa halagang 1.7k (single stick + double sided).. mura sya para sa 'value type' na mem (cas 5-5-5).. pare pareho naman lahat ng memory unless hindi 'value' yung spec ng mem.. ang pinagkaiba lang ng transcend ay sinasabi nila mismo w/ pride na 'made in taiwan' saan pa ba gawa mga mems? hehe
bakit nga ba bumili ako ng mem? kapos na kasi ng mem at gumagamit na ng swap yung vmware guest os ko (windows xp).. bakit nga ba me windows xp ako? kasi me pinapagawa sa aken na progy na kelangan magawa ko sa .net (.net kasi yung mga apps 'nila' dun).. balak ko sana gawin sa php kaso me dalawang problema (una walang thread ang php at pangalawa tinangal nila yung dio_ functions sa php5) may dio functions pa din kaso nilagay na nila sa pecl [link] ang problema pahirapan pa i-install, walang stable release at kelangan pa i-compile yung dio.. for short nakakatamad at masakit sa ulo pag may compile compile na
na demo ko na din yung app pero 'mabagal' pa sya naghahanap pa ako ng way para pabilisin or mabagal lang talaga ang pag access ng serial port.. anyways sulit yung mem at bumilis din naman yung system ko
format
nagbuburn ako ngayon ng mga anime, movies, apps at kung ano ano pa.. kasi lahat ng mga yan nakalagay sa isang 160gb 'fat32' na hd.. balak ko formatin at gawing ext3 at dun ko ilalagay yung vmware data files.. medyo mabagal ang current vmware ko at nakalagay den sya sa main partition ng debian ko.. at isa pa masyado maliit ang 4gb para sa xp so gagawa nalang ulit ako ng bagong xp gawin kong 30GB.. take note yung xp hindi main os.. virtual os lang sa loob ng debian ko.. gagamit ako ng vmware..
ni release den last week yung vmware workstation 6.0.1.. nawala na yung gtk bug sa debian.. yung bug me kinalaman sa gtk2.. dati ginagawa ko 'export VMWARE_USE_SHIPPED_GTK=yes' para mapagana ko vmware... ngayon kahit wala na yan gumagana na sya ng matino
natapos ko na din yung 'application' na pinapagawa sa akin.. ngayon kelangan ko sya pabilisin, lagyan ng thread at alisin mga bugs.. hehe oo puro bugs ang inaabot ko.. n00b naman ako sa .net so ayos lang yan :D






