uruha logo - uruha main

gundam no grade

eto 2 pix sa mga nabili kong gundam no grade kits.. wala pa yung high grade.. diko pa nabubuo e.. pag nabuo ko post ko dito

savior, freedom, strike freedom and justice gundam no grade - savior - freedom - strike freedom - justice
freedom and justice gundam no grade - freedom - justice

  • Fri Jun 6 2008 00:11:07 GMT
  •     Anime

naruto

natapos ko na din i-dl yung buong season 1 ng naruto.. kelan ko lang kasi nalaman na tapos na pala yung season 1 meron nang season 2 (pero hindi pa tapos) so hindi ko muna sya i-ddl.. hindi ko kasi trip yung manood ng bitin.. parang one piece.. antagal na nya hindi pa din tapos hehe

2 pc ko sa bahay isang desktop(main pc) at isang firewall(gateway/test server).. parating naka bukas yung 2.. pero pag pumapasok ako sa opis alangan buksan ko yung 2.. so ginagawa ko yung firewall pc ko nandun na din yung pag dl ng torrents.. ang problema linux sya na walang x (itong pc wala ngang video card e.. tinangal ko yung pci video card nya at wala syang builtin).. tanong anong bt client na gamit ko? dati ginagamit ko bittornado (kaso wala syang dht at peer exchange) so lumipat ako sa aria2c [link] mas ok to may dht at peer exchange din.. ang ginagawa ko nalang bawat download nag bubukas ako ng 'screen' tapos download.. so kahit nasa opis ako nakaka ssh (keys) naman ako papunta sa pc ko tapos check ko kung tapos na.. ok din yung aria2c meron syang upload limit pag umabot na sa .500 yung share ratio ko pwede nyang i stop yung pag upload.. oo madamot ako hindi ako nag u-upload.. aktwali yung ratio ko naka set sa .200 hehe

  • Thu May 22 2008 01:15:45 GMT
  •     Anime

transformers generation 1

Have you seen 'Transformers the movie', does the 'transformers movie' suck? Bad dialogue? Too much ebay? Do you prefer the classic animated version instead of the movie? If you answered yes to these questions then you might want to watch the the animated one. You may download it for free! Season 1 [link], Season 2 [link], Season 3 and 4 [link]

Remember after watching it you must delete it from your computer. Transformers Generation 1 DVD is licensed by Sony BMG. Of course you must buy the original dvd and give more money to Sony, because you give a damn about piracy. You know the drill.

  • Tue Jul 17 2007 13:53:58 GMT
  •     Anime

mada mada dane

matagal ko na din pinagiisipan kung i-dodownload ko yung 'prince of tennis' parang korni kasi pakinggan eh.. parang pokemon hehe.. pero eto na tapos ko i-download lahat ng eps nya (178 eps).. parang slamdunk sya kaso puro tennis.. pwede na syang pagtyagaan kesa walang mapanood

galing din kami kahapon sa gamol at bumili na din ako ng fisherman hat/waway/wangbu(kung ano man tawag dun) sa habagat

tapos nag dinner kami sa 'mey ling' isa sa mga 'weird' na kainan sa 4th floor.. gusto ko den kasi ma try yung mga 'weird' na kainan dun e.. bakit ko tinatawag na weird? kasi sila lang ata yung kainan sa 4th floor at magkakatabi silang restaurant na ang weird ng ulam nila (at least sa mey ling dimsum type sya w/c is paborito ko mga ganun) yung bill namin umabot sa P440 (akala ko ba mag titipid na tayo) ehe

fisherman hat - wangbu - waway - habagat  fisherman hat - wangbu - waway - habagat

  • Tue Jun 26 2007 17:11:29 GMT
  •     Anime

akagi

yung title ng pinapanood kong anime ngayon (aktwali tapos na).. kung sa iba boring sya kasi lahat ng episodes nya (26) ay puro mahjong lang.. oo yung larong mahjong.. pero kahit papaano natuto den ako (naalala ko den maglaro kasi dati pinapanood ko tita ko maglaro nung bata ako).. kaya ngayon gusto ko din matuto.. mababa rating nya sa mga 'anime review sites' pero sa aken kung irarate ko sya ng 1-10 (10 highest) nasa 8 sya.. hindi porket 'mahjong' lang yung theme nya e pangit na me mga matutunan ka din katulad ng 'human psychology' (hindi ko na siguro alam pinagsasabi ko or yung tamang term).. anyway maganda sya naghahanap pa ako ng mga anime katulad ng 'akagi' kahit walang kinalaman sa sugal.. para sa aken ka level nya ng konti yung isa pang trip kong anime (monster)

akagi - face  akagi - lucky deck akagi - akagi and nangou  akagi - akagi the monster

  • Mon Jun 18 2007 22:50:59 GMT
  •     Anime

samurai 7

kung napanood nyo na yung 'seven samurai' tiyak na magugustuhan nyo ang samurai7.. anime sya na yung storya nya kaparehas sa 'seven samurai'.. isa sa mga magagandang movies all time ang seven samurai.. #10 sya sa imdb (top 250 movies all time)..

kung nami-miss nyo yung boses ni 'edward elric' ng fullmetal alchemist maririnig nyo ulit boses nya sa samurai7 (si paku romi yung seiyuu sa isang samurai)

  • Mon May 28 2007 23:11:06 GMT
  •     Anime

record of lodoss war

pinanood ko ulit yung 'record of lodoss war' at nag download din ako ng 'legend of crystania'.. ngayon ko lang naman me continuation pala yung lodoss war hehe at ngayon ko lang din nalaman na yung oav before pa pala sa series hehe.. anyways hindi naman ako masyadong fanatic sa rolw... trip ko dun si ashram..

  • Fri May 25 2007 13:08:00 GMT
  •     Anime

dragon ball z

dball yung pinapanood ko ngayon.. hindi ko pa tapos i-download 'lahat' kasi nasa 291 episodes yun hehe.. by batch ko dina-download (batch of 10) para me mapanood naman ako kesa hintayin ko matapos lahat diba.. gamit kong bt client ay azureus (oo alam ko malakas kumain ng mem) ok sana utorrent kung me 'native' client sya sa linux kaso wala e.. ayaw ko den gumamit ng 'wine' ok na ako sa azureus at isa pa malaki naman yung mem ko hehe..

kung gusto nyo mapanood den download lang kayo ng torrent search nyo sa google 'ahq dragon ball z' yun yung dina-download ko... so far yung 'ahq' release ang matino e

naubusan na den ako ng tuyo.. bili nalang ulit kami sa up

  • Thu Feb 22 2007 20:09:25 GMT
  •     Anime

gundam wing

pinapanood kong anime ngayon ay gundam wing.. nakaka miss na den at wala na den akong mapanood e.. hindi den ako maka download ng bago.. puno na hd ko at wala pang dvdrs.. hindi ko den ma format pc ko sa linux kasi ntfs yung 160gb na backup dir ko.. well mababasa naman ang ntfs sa linux kaso maliit lang talaga ang space ko kelangan ko mag backup ng konti tapos format.. naka hanap na din ako ng mame na pwede sa linux.. pangalan nya ay 'sdlmame' tapos me mga frontends din naman.. so game na ako sa pagfoformat wala lang space..

  • Wed Jan 24 2007 00:44:37 GMT
  •     Anime

list

i've updated my anime list and i also removed the openoffice format as well as the html format since Excel cant export to sxc and single html without the css and craps

  • Sat Sep 16 2006 22:37:26 GMT
  •     Anime

monster

inulit ko panoorin yung monster.. ilang beses ko na sya napanood ang ganda kasi e.. ang mga dinadownload ko ngayon yung mga nabura na anime na nakalagay sa dati kong hd na nasira.. new anime so far na dinadownload ko ay 'fantastic children' sabi kasi sa mga reviews maganda yun

naalala ko soundcard kung bibili ako ng bago hindi na siguro mga creative series napakamahal kasi tapos yung may spdif na panel nasa 10k+ eh may nakita ako galing sa chaintech nasa 2k lang pero yung card mismo me optical spdif 24/192 pwede na.. yun nalang siguro bibilhin ko mas mura pa

  • Thu Aug 31 2006 09:44:45 GMT
  •     Anime

yojimbo

medyo me sakit ako.. sinipon ako too much computer na kasi hehe.. tapos nung thurs nag marathon ako ng yu yu hakusho 1-112 tapos kahapon pinanood ko yung kaze no yojimbo matagal na sa aken yun pero deins ko pa pinapanood

yung sa pc ko naman eto medyo matino na kahit papaano bumili na ako ng casing wala nga lang avr or ups isusunod ko na den siguro yun.. pero priority ko is dvd writer at hd 120gb+.. pero unahin ko writer at 1kva na ups

  • Mon Aug 21 2006 23:59:42 GMT
  •     Anime

beck vs. macross7

kahapon natapos ko panoorin yung beck.. musical/drama sya kung ikukumpara ko sya sa macross7 in favor ako sa beck 60/40 music wise.. trip ko yung kantang moon on the water at i've got a feeling(beetles) lalo na yung live concert nila.. galing.. etong anime na medyo real-life walang mga sd o kung ano mang mga kenkoy scenes mala kimi ga.. nagkita kami ni tata kanina sa glorieta konting kain at window shopping hehe.. pero bumili den kami kahit papaano.. bumili ako ng shirt, fisherman's hat at mga tribal beads eklat shit..

  • Fri Nov 25 2005 23:20:02 GMT
  •     Anime

speed grapher

kakatapos ko lang panoorin yung speed grapher.. gawa sya ng gonzo at ok sya r/comedy/action... taka nga ako me mga scenes na hindi suitable sa mga bata pero ok sya.. lalo na yung ending song 'yoriko - break the cocoon' bagay yung ending song sa full metal panic hehe.. tigas den ng ending yung nakalaban na nya yung big boss pinicturan nya yung missile kesa yung boss(camera kasi yung parang weapon nya at isa syang magaling na photographer) kung pipicturan nya yung boss baka patay na yung boss kaso me missile na parating mas ok na scene siguro kung pinicturan nya yung missile parang ganun... overall 7/10 sya ewan ko bat hindi nag top sa animenfo pero para sa aken one of the best sya

  • Mon Nov 14 2005 09:25:41 GMT
  •     Anime

chrono crusade

one of the best anime endings i've seen so far.. ok din yung ghost in the shell sac1 trip ko den yung ending lalo na yung story ni 'laughing man'.. pumunta den ako kanina sa ecpay para kunin yung paycheck ko for the month of october.. actually oct1-15 palang sa lunes na siguro yung 15-31.. punta den kami ni julius tom. sa eastwood samahan ko sya mag apply sa isang callcenter at magpapa encash den ako ;)

  • Wed Nov 2 2005 22:02:07 GMT
  •     Anime
next
 

Copyright © 2001-2007 k0n?
webmaster [at] uruha.org