nong
naging ninong ako for the first time nung sunday.. at least na experience ko din maging ninong.. pero sa tingin ko yun na yung last.. hindi ako interested sa maging ninong ninong crap.. me konting misa tapos deretso sa reception.. tas bigay ng lagay/kotong/regalo sa bata..
nikon
bumili ako ng 'nikon d40 kit' sa tipidpc.. brand new naman sya at columbia.. eto medyo baguhan pa sa photography lalo na sa slr.. saka na ako bibili ng lens pag medyo na-master ko na yung stock lens ng d40.. aktwali regalo ko to sa erpats ko so 'ginagamit' ko lang pansamantagal habang nasa cebu pa sya hehe.. meron din kasi syang nikon fm10 pero film slr sya.. kaya bumili ako ng dslr kasi wala pa syang dslr (obvious ba)
gundam
last week bumili ako ng mga 'gundam' models.. inuna ko mga ng (no grade).. kasi mura sya at pwedeng praktisan (assemble).. mga nabili kong no grade ay.. zgmf-x09a (justice), zgmf-x10a (freedom), zgmf-x23s (savior) at zgmf-x20a (strike freedom).. naaliw ako.. tapos bumili ako last saturday ng hg (high grade) na gundam zgmf-x09a justice.. hindi ko pa binubuo kasi tinatamad ako at may bago akong 'toy' na pinaglalaruan
update ko nalang yung blog mamaya at ilalagay ko mga pics (nasa bahay kasi mga pics at nasa opis ako ngayon nag bla-blog)
remembrance
nakalimutan ko pala i-post yung mga 'stuffs' galing sa grande island resort.. teacup,saucer,ashtray at tuwalya.. hehe.. alam ko libre lang naman to parang sa hotel :D
grande island resort
kakauwi ko lang galing sa outing.. buti hindi umuulan sa subic kahapon at nung thursday.. bali umalis kami nung thursday ng 6am at nasa maynila na kami ng (friday) 3pm.. me time na masaya at boring sa outing.. well ang boring lang naman sa akin yung games (diko talaga trip mga team building/games.. buti sana kung paguusapan mga projects mga tips/tricks para mag work out isang project yada yada.. kaso pinag gagawa namin mga games.. pero baka nga ganun talaga team building hehe).. maliban sa games ok naman
bali sa grande island resort [link] kami pumunta.. so far ok naman yung lugar.. wala akong pics kasi wala naman akong camera at iniwan ko yung samsung na cellphone (may cam na 5mp) dala ko yung k750i ko (hindi ko naman ginamit yung cam) at natutunan ko din na mas ok yung wag nalang mag dala ng camera kesa sa magdadala ka.. bakit? kasi pag hindi ka nagdala kasama ka parati sa mga pictures sa mga nagdadala ng camera hehe.. so pag dating sa office transfer transfer nalang.. o diba.. at isa pa may card reader naman mga pc namin (hi tek).. so kahit nakalimutan ng mayari yung usb cord nya pwede isaksak sa pc yung memory card ng cam nya
5 kami sa kwarto (dapat 4) pero sabi magbibigay naman daw ng banig or samthing.. kaso hindi naman binigay.. ayaw ko din naman sa malambot.. so ginawa namin tinangal namin yung mattress ng isang kama tapos kinuha ko yung mga foam sa mga upuan sa labas tapos pinatong ko nalang sa kama (medyo matigas na to) ayun me higaan na ako hehe.. 2 lang kama sa isang kwarto btw.. bawat kwarto may tv/ref/banyo/private safe/aircon/ref/coffee maker/phone.. may ip phone sila (alangan softphone diba ehehe).. kung me dala akong laptop ikakabit ko sa laptop ko yung lan ng phone tas kalikot hax0r modez..
ang ok lang sa kwarto yung banyo.. malinis at may heater!!!(gusto ko ng mainit).. ang problema naman yung tulugan medyo malamig (may aircon e).. since ayaw ko ng lamig at majority ng kasama ko gusto ng malamig.. may solution tayo dyan.. kinuha ko ang remote control ng aircon at walang makakaagaw sa akin so sinet ko ng fan mode lang yung aircon heheheheh.. kahit saan ako pumunta dala dala ko remote.. nagtataka nga sila nung tumambay ako sa pool bat me dala akong remote ng aircon.. eto lang sinabi ko.. 'ayaw ko ng lamig at baka me mag adjust ng aircon naninigurado lang ako'.. hehe yan ang fair.. aktwali nung nakita ko tulog na lahat ng tao (2am na) pinatay ko yung aircon hehe... malamig din naman kasi e
nung tanghalian na.. edi syempre kamain na kami lahat.. hinintay ko na wala ng tao sa function room (kainan) tapos pina-takeout ko lahat ng tira tirang ulam.. parang nabanas yung nag seserve kasi ako lang ata nagpapa takeout e.. pag dating sa kwarto taka sila andami ko dalang bag at styro (take out hehe).. pulutan din naman yun e.. sayang kasi at binayaran naman yun..
nag adventure din kami nung hapon.. 4 kami naglakbay kung saan-saan.. hinila ko mga kasama ko sa work.. ang adventure yung maghahanap ng risk.. pag walang sugat/dugo hindi adventure yun.. pinuntahan namin gilid gilid ng isla (isla kasi yung grande island) yung mga hindi nadadanan ng tao.. anlayo ng dinaanan namin.. sa gilid ba naman ng isla maraming bato.. mas malaki pa sa tao mga bato.. me bato madulas(lumot) me hindi me bato din na magalaw meron din hindi.. muntik na ako matumba nun.. na outbalance ako tapos yung tinatapakan kong bato magalaw pala.. kung hindi ako naka hawak agad untog ako at duguan siguro.. pero ito ang adventure e.. pinuntahan namin mga hindi pwede puntahan.. tapos nung nakalayo na kami medyo dumidilim tapos umambon pa.. kelangan na namin bumalik.. problema kung babalik kami sa dinaanan naming routa matatagalan kami.. tumataas na din yung tubig dagat.. medyo nakatakot na.. pwede kami bumalik kaso kelangan namin umakyat pataas.. ang problema pataas.. as in vertical walang kapitan hehe.. medyo may slant pero ma-outbalance ka pag tumayo ka ng diretso.. no choice sa harap namin puro bato ulit hindi namin alam kung me daan ba dun o wala.. so akyat nalang.. problema ulit nung nagsisimula kami umakyat.. ang daming bubog.. mga basag na bote at kung ano ano pa.. kasi parang tambakan ng basura aakyatin namin.. no choice tumataas tubig dagat at dumidilim sige risk akyat na.. kaka simula ko palang umakyat nasugatan agad ako sa kamay.. lintek na bubog kasi e.. sige ingat nalang.. nung nasa gitna na.. muntik naman ako ma outbalance yung kakapitan ko akala ko ugat ng puno.. lintek kahoy lang pala.. buti nalang naka hawak ako agad.. kundi rolyo ako nun pababa.. bubog na bato pa sa baba (i'm dead).. tas nung nasa tuktok na kami me guard pa.. akala siguro nya terrorista kami.. hehe off limits kasi yung lugar tapos tambakan pa.. ayun nung naka balik na kami sa sibilisasyon.. ligo ulit sa dagat.. ang dumi namin e.. hindi ko makakalimutan yung araw na yun.. masaya.. sana me videocam kami na dala.. adventure kasi talaga sya at high risk..
medyo humahaba na tong blog.. i-summarize ko nalang:
1. adventure - kung gusto nyo mag adventure sa 'grande island resort' umpisahan nyo sa entrance ng island tapos ikutan nyo yung island mula sa seashore(gilid ng dagat) marami kayong madadaanan na bato nyan pero adventure talaga..
2. food - yung ibang pagkain na ni-serve nila parang paulit ulit lang.. parang same lang yung almusal at tanghalian pero iba iba.. pero parang inulit lang yung ulam.. sample.. kung rice sa tanghalian.. fried rice sa gabi.. kung litsong manok sa tanghali.. adobong manok sa gabi hehe.. gets nyo?
3. pool/dagat - malinis yung pool.. pero pag dating sa gabi bara bara na.. me nag yoyosi na sa pool.. me nagiinuman pa nga e.. parang wala ng pakialam/antok/tinatamad na yung mga staff.. sa dagat naman parang ayos lang.. me part makati pero semi-white sand.. me part naman medyo clear pero ang daming tinik/batobato
4. rooms - ito yung da best talaga sa kanila.. malinis at maayos
5. misc - may volleyball court, playgroud, pocket bike, gun range?, banana boat, etc.. visit nyo nalang yung website..
grande island resort [link]
ni ni
salamat sa kard at sa regalo mong 'mini gundam'.. isa ito sa mga magagandang natanggap ko sa buhay.. (ala ako masabi e ehe..)
sabado
konting araw nalang pang umaga na ulit ako.. akala ko ok maging gy.. hindi pala.. kasakit lang sa ulo tapos wasted pa sa umaga.. masakit pa sa balat yung araw.. pag pang umaga naman.. nakaka tamad gumising ng maaga tapos uuwi ng late tapos sa makati pa office mo.. pero 'masaya' yung ginagawa ko.. tiis tiis tiis
i resign
medyo matagal na din akong hindi nag blog (dahil sa katamaran).. kwento ko nalang mga nanyari sa aken (work related) this past few months.. nag file ako ng resignation sa dati kong employer last march 1 and effective ng resignation nung april 1.. medyo hindi ko kinaya yung pulitika at sobrang daming meetings (hindi naman ako kumikibo pag me meetings kasi nakakabato ang meetings) minsan kasi ok meetings nagsasayang ng oras pero minsan/madalas nakaka walang gana mag meeting.. technical guy ako and hindi ko gusto mga meetings.. tapos dagdagan pa ng pulitika (marami may gusto sa position ko kasi siguro malaki sahod? maganda? core ng kumpanya? and whatever shitty reasons.. sa kanila nalang) nagustuhan ko nung una yung position... inalok pa nga ako ng laptop (w/c is kelangan ko talaga) and tinanggihan ko... mas pabor pa ako sa malaking monitor sa desktop ko kesa laptop
main reason ng resignation ay: meetings(ayaw ko!), daming projects(pros: daming pera para sa kumpanya | cons: nag iisa lang ako, magulo systema, sabog database, halo halong apps, kanya kanya code, ako namamahala sa system, ako nag proprogy, ako admin), better offer sa ibang kumpanya
kaya eto from systems manager naging lead developer ako ng isang content provider.. ok naman mga projects nila lahat mga big time yung clients nila.. mas malaki yung sahod kumpara sa dati tapos may allowance pa ako tapos open yung time(ito yung hinahanap ko talaga).. pero sa ngayon pang gabi ako for one month dahil may running na promotion at bantay ako ng logs hehe.. hahasa yung programming skillz ko dito kasi mga ginagawa ko backend based apps (masaya to) ang problema nga lang masyado malayo yung office :( nasa makati sya hehe.. marami nga nagsasabi di ako tatagal ng 6mos. well.. tignan nalang natin
manny pacquiao scandal
boxing fans at mga menyek ito para sa inyo.. mamatay kayo sa inggit kay manny(money).. dahil may manny sya at nakakakuha(nakakabili?) sya ng mga chix.. at hindi lang yun ang mga chix mismo ang lumalapit kay manny kasi meron syang money.. hehe.. madalas daw tumambay sa 'embassy' (the fort) si manny.. kaya kung gusto nyo maki join punta na!.. iba na talaga pag me pera :(
2007 year end shits
bago matapos ang taon na ito sasabihin ko mga nangyari at mga nagawa ko..
last month bumalik na ulit ako sa pagiging robot(full time work).. semi-flexible naman yung oras ko pero hanggang 11am lang.. hindi ako pwede lumagpas ng 11am kundi considered ng late yun.. matatawa kayo pag sinabi ko na la-late pa din ako tapos 'araw araw' ako sumasakay ng taxi.. mula sa amin hangang eastwood ay 140-160(paiba-iba ang bayad me meter na mabagal me meter na mabilis eh iisa lang naman daanan).. pinapadaan ko sa philcoa(cp garcia) pag barado naman sa cp garcia dun ko pinapadaan sa loob ng up na yung labas nya yung malapit sa asti.. anyways.. challenging yung position ko ngayon medyo nakaka stress at ubod ng office politics pero masasanay din ako
hindi mawawala yung trip ko sa mga junk/exotic foods.. trip ko pa din tuyo,isaw,botchi,atay,balun-balunan,goto,mami at tokwa.. pag nasa office naman konti lang choices ko sa pagkain madalas kinakain ko papaitan, beef steak(ang tagal lutuin), lumpia, tokyo tokyo at kfc.. hindi ko alam ano tawag dun sa mini-canteen sa taas ng tokyo tokyo pero ubod ng sebo yung papaitan nila (bakit pa ako kumakain dun? trip ko papaitan at masarap kahit me sebo hehe).. pag sa malls naman kasama si koree madalas kami sa sizzling steak, sizzling seafoods, kenny, sbarro, kfc, shakeys, yellow cab at mongkok.. pero lately madalas kami sa inasal bacolod.. next year magiging 'year of the chicken' ang theme ng pagkain namin.. expect ko next year madalas kami sa inasal, racks at kenny.. speaking of racks unang sahod ko nilibre ko si koree sa racks..
nag quit na ako uminom(alak).. nung early december nag inuman kasi kami tapos kinabukasan ang sakit ng katawan ko.. 2 araw ako hindi pumasok.. lintek na 'something fishy' yan.. me lason ata yung alak nila or yung pagkain nila.. ironic.. nag inuman ulit kami (hindi ako uminom) yung isa 2 araw den hindi pumasok.. sumakit den yung katawan nya hehe.. sabi nila baka me kalawang yung bote.. either way nagka trauma na din ako malala nangyari sa aken e.. kung kayo nasa eastwood at gusto nyo mag-inuman wag kayo sa 'something fishy' sa iba nalang kayo.. something fishy talaga yung mga ni-seserve nila.. pero yun lang alam kong mura na inuman dun e.. sa yosi naman.. sabi ko bawasan ko paninigarilyo ko.. well nabawasan naman.. pero nag yoyosi pa din ako..
ngayon taon na ito medyo hindi ako nagbibili ng mga gadgets.. at ini-expect ko next year hindi din ako mag uupgrade or bibili ng mga pc parts.. aanhin ko pc kalahati ng araw nasa office ako.. 2 lang nasa isip ko bilhin next year.. pda at relos.. uunahin ko na siguro relos.. nagtitingin na din ako at puro casio yung trip ko.. ayaw ko ng g-shock gusto ko yung pathfinder series ng casio.. [link] [link] [link] [link] [link] kahit ano sa limang yan trip ko.. prefer ko yung 'PAW1300 Series' sana me makita ako nyan dito.. pag sa pda naman.. ok na ako sa xda atom [link] or yung HP Ipaq 6828 [link] parehas lang sila ng specs: intel 420mhz, wm5 etc.. so ayun.. maliban sa pda at relos wala na.. wala na akong balak bumili ng vc kahit sira na video card ko (hindi ako pwede maglaro ng games kundi me mga red/green dots na lumalabas) sabi sa google me sayad na yung memory ng video card.. kung bibili man ako ng video card malamang mga low end na (less than 4k) hindi mga gtx type
addict na ako sa kape ngayon.. nag start ako bumili ng grinded beans mga mid-2007.. at balak ko bumili nga mga coffee stuffs next year.. katulad ng grinder, pots at espresso machine etc.. nagbabasa at member din ako sa forum ng coffeegeek (coffeegeek.com) pag dating sa espresso naman paborito ko sa pancake house, figaro, coldstone(ibm plaza 11th floor) at bo's (in order).. hindi ko pa na try sa starbucks at seattle's best.. bakit #1 ko sa pancake house? andami kasi hehe.. ang double espresso nila parang isang cup na.. pag hindi espresso bibilhin ko either black or americano .. walang asukal or cream.. no shits.. pure coffee
nag start ako mag php5 lately.. pero hindi ko naman nagagamit ngayon since busy ako sa work at hindi din applicable sa work (me nagawa akong isa at gamit sa production).. maliban dun wala na.. ginawa ang php5 as alternative to asp.. sad to say maka microsoft kami sa work hehe.. mcp nga ako pero wala ding silbi.. pero pag me free time ako nag pra-practice ako ng soap (web services).. hirap ako sa wsdl pag walang nusoap [link] ang kelangan ko i-focus ngayon ay windows 2003, ms sql 2005, .net1 at ios(cisco).. salamat sa google ang daming ebooks
going strong pa din relationship namin ni koree nakaka 1yr+ na.. madalas kami mag away pero na aayos din naman.. walang kwenta ang relasyon pag hindi nagaaway diba?.. bumili ako ng batman novel book para sa bday nya at bibili ulit ako ng batman (yung part 2 nun) pang xmas gift siguro ehe
james bond complete
bumili ako ng 10 biogesic, 5 neozep (drowse), 5 neozep (no drowse), 1 bactidol, 2 pack ng strepsils.. medyo makati lalamunan ko at medyo paos ang bosses.. kulang lang to sa kape... umorder den ako ng yellow cab at ang tagal nya dumating.. sabi nila 30-45 minutes e.. mag iisang oras na wala pa din :(
hinda pa tapos yung dina-download kong 'james bond complete special edition' lahat ng james bond movies maliban sa casino royale nandun.. syempre galing sa 'thepiratebay' 27.5GB yung total size nya
kahapon natapos din yung dinadownload kong 'x-men the animated series' nasa 10.5GB naman sya.. kumpleto season 1-5.. eto yung pinapalabas sa #2 dati kung naalala nyo pa
lipat na
nilipat ko yung domain (uruha.org) sa aming vps server.. medyo walang kwenta na yung philhosting overloaded na masyado yung servers nila at parating down.. ililipat ko den yung music site (doryusen.com) sa vps para magamit naman yung bandwidth namin..
hindi ako masyado naka pag post ngayon kasi medyo busy ako last month sa dalawa kong site (doryusen.com at canz.net) at ngayon hindi ko din ma-update yung doryusen.com at canz.net kasi busy ako sa work(naks ikaw ba yan x)
anyways medyo naging busy din ako sa work akala ko nung una petiks petiks lang.. mga ginagawa ko da usual php/c# apps pero me pinagawa sa aken pinili ko yung php soap or php get/post.. katumbas naman ng php soap yung c# webservice.. ang nahirapan lang talaga ako yung ms-sql.. syempre database choice ko is mysql pero sa work walang mysql hehe.. at isa pa masyadong complicated mga queries paiba-iba ng tables at database..
friday sa wakas!.. rest day bukas at sunday.. pag dating sa lunes polo/khaki/leather shoes till thursday.. civilian/k0n style getup sa friday.. ulit-ulitin mo nalang.. isa na akong typical robot
busy
medyo busy ako lately.. sira na nga tulog sa sobrang busy.. hindi na ako nakakaupdate sa doryusen.. hindi na din ako nakaka post dito.. baka next week matapos na 'mga' pinapagawa sa aken
bodum starbucks
nung wednesday bumili ako ng 'french press' sa starbucks(megamall).. pag kakape na yung bago kong trip ngayon.. trina-try ko huminto sa pag yoyosi so naghahanap ako ng kapalit... at sa tingin ko yung pagkakape yung pwede kong ipalit sa yosi hehe. magastos den ang pag kakape sa gamit palang lugi ka na tapos yung sa coffee(grinded/beans) mahal din.. pero dahil dito nalaman ko din na iba ang lasa ng 'tunay na brewed' kesa sa mga 3in1 or 'instant coffee'.. as usual pics ng 'french press' ilalagay ko






