uruha logo - uruha main

bayantel down

Naalala nyo ba yung nag ka problema yung internet natin dahil sa 'Taiwan Eathquake'? Nangyari ulit ngayon kaso ang tinamaan naman yung Bayantel.. Dati 'minor' lang yung naging problema ng 'Bayantel' ngayon sila naman yung malala.. Kung dati Globe at Pldt ngayon Bayantel hehe.. Swertehan lang talaga yan.. Me sulat kasi ako natanggap galing sa 'CS for Data & IP Services' kung pwede ko lang i-post dito e..

  • Wed Aug 22 2007 01:50:27 GMT
  •     Anything Goes

started using adsense

I started using Google Adsense yesterday. Although I don't have any 'Link Units' yet. According to this [link] page, I won't receive any 'Link Units' until Google has crawled my page. I'm just testing it out to see how it works. And Adsense is one of the common revenue generators for blogs.

I'm not expecting to earn huge amount of money from these ads, It's more of an experiment. Btw, If your joining the 'bayanihan seo contest' and need a 'teammate' contact me. My email address is located at the bottom of this page.

  • Fri Jul 13 2007 03:35:54 GMT
  •     Anything Goes

bayanihan seo contest

parang gusto ko sumali sa 'bayanihan seo contest'.. mababa chansa ko manalo since site ko 'tagalog based'.. at wala na akong balak bumili ng mga 'domains'.. gusto ko lang i-try(hindi ako seo by default).. baka sakali manalo.. kung hindi man manalo at least tumaas yung 'keyword' ranking ko.. kahit papaano me mga alam din ako pag dating sa 'seo'.. ayon sa rules [link] wala namang sinabing kelangan 'english' yung site hehe.. so bahala na tingnan nalang natin ano mangyari.. gawa lang ako ng 'post' na taglish at me konting pix tas yun na yun tignan nalang natin kung mag hit...

  • Tue Jul 3 2007 19:16:54 GMT
  •     Anything Goes

mydestiny.net new forum

medyo matagal ng nag down yung forum ng mydestiny.. halos 1 week na ba? hindi ako maniniwala na hindi napapansin ni 'voltaire zosa'(webdev ng mydestiny).. tinatamad ka na ba pare? i up mo na yung site konting kalikot lang yan ok na yan.. bakit ko ba gusto ma up yung forum? isa ba akong poster dun? hindi.. pero masarap magbasa.. me mga forum spammers nga lately e kakatuwa sila tignan.. me nakita pa akong 'isang' forum na related sa mydestiny at naka host sa mydestiny din.. at least sa forum na ito hindi nag do-down [link] ang pinag-kaiba lang nito sa current forum ay palitan mo lang yung path imbes na /myforum gawin mo lang /forum

old site
mydestiny.net forums
new site?
mydestiny.net forums

  • Mon Jul 2 2007 04:05:53 GMT
  •     Anything Goes

sakit

bactidol at strepsils
hindi katamaran yung sakit ko ngayon kundi totoong 'sakit' talaga hehe.. bigla ako tinamaan ng sipon/ubo/sakit ng katawan etc..etc.. (aktwali hindi ko alam anong klaseng sakit).. kaya eto pumunta ako sa mercury para bumili ng gamot (see hindi katamaran).. biogesic, decolgen, bactidol at strepsils.. nag grocery den ako sopas, chinese soup, vcut(tsitserya).. eto nag takeout ako ng 2 order ng siomai sa siomai house (san pa ba)

pinanood ko din kahapon yung 'planet of the apes' yung 1968 version.. mas nagustuhan ko yung luma kesa yung whalberg version.. speaking of whalberg na download ko din yung dvd ng shooter (sa june 19 pa release) pero eto leaked.. uso naman yung mga leaked/early release sa bittorrent at wala akong paki alam kung pirated sya..

  • Fri Jun 15 2007 20:15:45 GMT
  •     Anything Goes

gillette mach3 turbo type r

bumili ako kanina ng gillette mach3 turbo (exagg na yung me type r.. para mag mukhang racing car na hehe).. bali P300 sya me kasamang extra 'blade' at me 'free' na 'gillette gel'.. saan kaya nilalagay yung 'gel'... (malamang marumi nanaman iniisip mo hehe)..anyways bumili kasi ako ng 'bala (blade)' para sa ginagamit kong pang ahit kaso mali nabili ko.. 'low class' gillette yung ginagamit ko dati.. tapos yung binili kong bala ay para sa mach3 kaya bumili na ako ng mach3.. bali 4 na yung mga extra blades ko.. tatagal siguro ng 1 taon yun hehe kasi yung 1 bala ilang bwan den tumagal sa aken.. hindi ko pinapalitan hanggat hindi ako nasusugatan or nangalawang na ng husto (pinoy ako e)

gillette mach3 turbo gillette mach3 turbo - front view  gillette mach3 turbo - back view gillette mach3 turbo gillette series gel - with soothing aloe

  • Sat Jun 9 2007 03:43:14 GMT
  •     Anything Goes

skechers tazor

galing ako kanina sa sm north (bumili ako ng shoes).. medyo nagikot-ikot den ako pero bagsak ko sa dept. store din hehe.. anyways nasabi ko ata na naghahanap ako ng steel toe shoes.. una pumasok sa isip ko cat, dm's or timberland.. pero wala ako nakitang 'matino' kanina sa sm.. so skechers na.. bago ako bumili nag check muna ako sa 'zappos.com' ng mga ok na steel toe.. nung nakapili na ako sa zappos sinave ko sa cell yung mga 'model' nila (parang pc parts e no).. nasa list ko yung skechers tazor.. simpleng design lang pero mabangis yung specs (parang pc nga).. nakakita ako ng tazor sa sm north.. hindi na ako nag dalawang isip.. sinukat ko na agad.. una 8.5 (american size) parang bitin.. so sunod 9.5.. ito maluwag tama lang at mukhang malaki hehe.. konting test (hampas/kalikot loob) ok naman.. so binili ko na.. sa halagang P4.6k sa tingin ko sulit naman

kung nagtataka kayo bakit 'skechers' sa brand palang parang pang japorms na diba.. marami kasing skechers.. merong skechers usa/sport/work.. yung binili ko 'skechers work'.. mga ganitong sapatos kadalasan ginagamit sa construction/warehouse (ayon sa zappos).. pero sa ganitong presyo malabo siguro makabili ang 'common' na construction worker dito

me libre pa akong 'sack bag' (diko alam anong tamang term e)

skechers tazor box  skechers tazor box - model skechers tazor shoes inside  skechers tazor tag - steel electrical skechers tazor skechers tazor - side view  skechers tazor - free sack bag

  • Wed May 30 2007 00:25:13 GMT
  •     Anything Goes

virra mall shopping

kahapon pumunta kami sa 'virra mall' ni koree para mag shopping.. una nagkita kami sa 'mcdo quezon ave' as usual ang tagal ko naghintay at ang init pa... nung dumating na sya nag taxi nalang kami papuntang 'shoppesville'.. nung lumagpas na kami sa 'annapolis' tinanong ko yung driver saan sya dadaan.. tas sabi nya 'sa greenbelt po ba'.. hehe sabi ko hindi.. 'sa shoppesville' hindi siguro nya narinig yung sinabi ko kanina.. anyways kumanan agad sya buti nalang daw at nasabi ko ng maaga bago lumagpas ng 'gate 5' kaya ayun.. sa gate5 kami dumaan at bumaba kami sa entrance ng 'shoppesville' sa may gilid ng 'le ching'.. binigyan ko sya ng P20+ tip para sa kanyang 'n00bery'.. anyways kumain na den kami sa 'le ching' wala naman akong ibang gustong kainan sa 'virra'.. syempre da usual meal.. 'beef brisket' at siomai.. sinamahan din namin ng 'chicken mami'.. after nun busog na busog

pagkatapos kumain namili na kami ng tshirts.. tapos naghanap den ako ng pants (pero wala akong nakita na ok virra).. pero si koree nakabili ng pants.. mga 1-2hrs kami nagiikot sa kaka tingin ng tiange hehe.. nung desperate na ako sa pants nagtingin nalang kami sa mga 'branded stalls' inuna namin giordano (eto lang nakita namin e hehe) wala sila yung trip kong pants.. meron nga kaso pambabae (hinahanap ko kasi cargo).. maraming cargo pants sa virra pero super flashy at super taba parang hiphop na dating ko nun.. hindi naman bagay sa aken.. siguro kung me blingbling ako.. bago kami umalis sa 'virra' dumaan muna kami sa mga 'cellphones'.. naghahanap din kasi ako ng k750i headset to 3.5mm converter.. yung unang tinanungan nami wala daw sila nun.. yung pangalawa parang wala din daw.. pero nilabas ko yung sample.. ayun meron daw sila hehe.. hindi ko siguro alam kung ano yung 'tamang' tawag dun.. anyways tinest ko ok naman.. tinuruan na den ako ng babae paano 'ikabit' ng 'maayos' yung headset converter kasi baka masira daw at baka masira din yung socket sa phone.. hehe tanga ko talaga kabit hila nalang ng basta basta.. at bago ko nga pala binili yung 'converter' tinanong sa aken ng babae fake or orig.. sabi ko fake.. lolokohin pa ba ako sa price.. e lahat naman dun fake.. sus naman..

pagod na kami pareho at kelangan na pumunta sa 'galle' para sa 'round 2'.. bumili muna si koree ng ice tea sa tokyo tokyo tapos sumakay na kami ng jeep papunta sa 'galle'.. nung nasa galle na kami.. ganun din daming tao.. sale kasi '10-20%' off.. inuna namin 'g2000' alangya masyadong casual naman.. so pumunta nalang kami sa 'dept. store'.. ayun andaming pantalon na trip ko.. so nag sukat sukat ako.. dami ko dinala sa sukatan hehe.. para akong babae taena.. nung nakapili na ako ng 2 pants binayaran ko na agad tapos bumili na din ako ng fake/immitation ng 'issey miyake' na pabango sa prescripto... pagkatapos nun umuwi na kami.. wasted na din naman kaming pareho..

lista ko na din mga gastos ko/namin

1. taxi P90 (P20 tip)
2. le ching meal P400+
3. tshirt P700+
4. k750i headset to 3.5mm P150
5. pantalon P2300+
6. prescripto P140
7. pamasahe pauwi P20
lagay ko na din yung pix ng bag na dala ko pauwi (bigat).. at mga laman nun
bag open bag  fake issey 1up mushroom  hiphop ya headset - plug sa likod  colours cargo pants lee cargo pants  k750i headset to 3.5mm converter

  • Mon May 21 2007 10:40:38 GMT
  •     Anything Goes

hitachi 1tb

ang bilis ng panahon meron ng 1tb hd na binibenta [link] parang kailan lang yung mga 300gb ngayon 1tb na.. buti nalang wala pa akong interest bumili ng mga computer parts.. ok na ako sa pc ko ngayon (last year ko pa to nabili) so considered medyo bago pa hehe.. mag papalit siguro ako pag tipong nagkanda sira sira na mga pyesa... pero ok pa naman wala pa nasisira.. siguro kung 'kelangan' ko bumili yung magagamit ko sa work isa pang lcd monitor siguro

pero naka priority ngayon ay sapatos... oo kelangan ang pangit ko kasi tignan pag naka rubber shoes ako tapos naka polo (julogs) hehe.. kahapon galing kami sa galle.. me caterpillar nga wala naman yung tamang size either maliit or sobrang laki.. pero 25% discount yung 5k na sapatos naging 3k+ nalang.. malamang pag meron nun sa shang walang discount.. e budget ko para sa 5k lang ayaw ko na taasan sayang sa pera.. at yung sapatos dapat magagamit ko pang casual at pang lakwatsa

pinapanood kong anime ngayon 'planetes' tapos yung napanood kong non-anime lately ay 'crimson tide'

  • Fri May 18 2007 10:32:48 GMT
  •     Anything Goes

gmail spam

dumadami na yung mga nakukuha kong spam messages sa gmail.. hindi ko alam kung bakit.. alam ko 'medyo' safe sa spam yung gmail.. pero halos iisa lang yung pattern ng mga spam na dumadating sa aken at iisang email lang naman (marami kasi akong email sa gmail).. tapos lahat puro galing sa yahoogroups.. wala naman ako magagawa so dine-delete ko nalang..

pinapanood ko ngayon yung 'a better tommorow trilogy' isa sya sa mga 'unang' downloads ko nung nagkaroon ako ng cable internet... classic hongkong brotherhood/gang/cops barilan shit sya hehe..

maliban sa kakanood ng movies naglalaro na din ako 'ulit' ng dota.. since nilabas na yung 6.43b ai++.. medyo ok ok na yung ai at marunong na sila mag defend ng base nila at mag group push..

  • Wed May 16 2007 06:16:15 GMT
  •     Anything Goes

Wake up

Sabi ni kors, minsan pag masyado na daw akong late gumising, (mga 5pm or 6pm) or sobrang tagal kong matulog (10+ hrs), nag wo worry na sya. hehe Baka ma rico yan daw ako. :-)

http://www.ponandzi.com/image.php?img=15
http://www.ponandzi.com/image.php?img=24
http://www.ponandzi.com/image.php?img=27
http://www.ponandzi.com/image.php?img=40

(posted by: k()r3e)

  • Sun May 13 2007 11:22:01 GMT
  •     Anything Goes

tulog

nabitin tulog ko kahapon.. 'normal' kasi yung tulog ko ng 8am kaso dumating yung destiny crew (nawalan kasi ako nang signal).. me pumutok daw na gamit nung gabi pero naayos na agad.. nagtataka sila wala akong net.. so ako naman tinignan ko modem (ganun pa din.. nagbliblink yung cable status).. pero sabi nila ok na.. so umakyat ulit ako sa kwarto kinabit ko yung cable wire directa sa modem (naka splitter kasi ako e hehe).. ayun gumana.. so sira na yung 'high tech' splitter ko.. sabi ko sa technical ok na boss.. hindi ko na pina-akyat sa kwarto kasi baka makita pa nila yung mga naka kabit sa modem nagpalusot nalang ako na 'me natutulog kasi e' ayun ok na net.. check emails and stuffs bago matulog.. me tumawag naku po me problema daw sa office (no choice ako kelangan ko talaga pumunta).. diretso ligo at nag taxi nalang ako.. naayos ko naman yung problema.. pumunta na din ako sa banko para mag pa encash para isang lakaran nalang

after nun nagkita kami ni kors at kumain ako sa 'sizzling seafoods' (wala naman akong ibang kinakainan e).. after nun uwi agad.. naka tulog den ako sa bus tas nagising ako nasa tandang sora na.. nasa likod pa naman ako andaming nakasakay tapos naka tayo pa (tungko pa kasi sinakyan ko e).. tumayo ako nung nasa diliman na.. nakababa ako sa 'st. peter'.. sa sobrang dami ng tao nakalimutan ko mag para hehe (bz ako sa kaka singit papunta sa harap).. anyways lakad ako pauwi me konting ambon.. pag dating sa bahay hindi ako nakatulog.. wasted na wasted na ako (2 oras lang tulog ko)

check mails.. surf surf.. tas konting chikahan.. hindi pa den ako makatulog.. since natapos na den yung dinadownload kong 'tora tora tora' (classic ww2 film.. pearl harbor type).. edi nood nalang ako.. pero di tumagal nung nasa bandang gitna na bumabagsak na mata ko.. tas eto nagising ako ng 3am bitin nanaman tulog taena naman.. tinapos ko nalang yung tora tora tora... then pinanood ko ulit yung 'monster' trip ko yung anime na yun.. kumain na den ako ng almusal.. inom kape.. da usual stuffs.. eto medyo inaantok.. sana makatulog

  • Fri May 11 2007 06:36:37 GMT
  •     Anything Goes

lately

mga pinag gagawa ko ay mag laro ng wow, na-adik sa ice tea, naglalaro ng dota at manood ng flame of recca.. nag setup ako ng wow server at kami kami lang ng mga kakilala ko naglalaro ok naman sya hehe naka burning crusade na sya pero as usual maraming bugs (walang perfect emulated server).. maliban sa mga yan bumili na den ako ng dvdr's (100 pieces) tiba-tiba ako sa pag backup ngayon..

inulit ko panoorin ang flame of recca (yung iba na-ko-kornihan dito) pero ako hmm.. medyo hehe pero dun nanggaling yung idea ng domain ko (uruha)

sa downloads naman pinag-tritripan ko ngayon mga hd-dvd rip na naka encode sa x264 super linaw sya tapos antaas ng resolution (780p to 1080p) syempre ac3/dts ang audio at kelangan me subs (nasanay na den siguro ako ng may subtitles dahil sa anime)

na-adik na den ako sa blue marlin ng sizzling seafoods (masarap na sya tapos ansarap den ng sinigang na sabaw)

  • Fri Apr 20 2007 04:24:07 GMT
  •     Anything Goes

baso

me nagbigay sa aken ng magandang baso.. nung una naka parang gift wrap pa sya hehe pag bukas nun andaming laman.. baso, happy peanuts at pansit kanton (laking tuwa ko nung binigay ako nun) at least yung mga yun kinakain ko.. di katulad ng iba puro chocolates (diko trip chocs) kung ano mura at praktical yun ang gusto ko .. mas matutuwa siguro ako kung nilagyan yun ng tuyo (alam nyo namang adik ako dun) anyways yung baso 'medyo' malaki sya pero mas malaki pa den yung baso ko at mas mahal ng P5 hehe

binigyan ko na din ng copy si koree at lagur ng wow installer.. meron kasi akong private server ng wow (mangos).. kaya pag me 'spare' time edi laro diba

salamat sa baso

baso with junks  baso with junks again top view  yung mga junks top view no junks  front view full view

  • Fri Apr 13 2007 02:42:04 GMT
  •     Anything Goes

sapatos

sinamahan ko kanina si koree bumili ng sapatos.. nagkita muna kami sa megamall tapos kumain kami ng konti sa kfc after nun tumambay kami sa french baker (inom lemonade at yosi na din ako) then lakad papunta sa shang.. nung nasa shang na kami naghanap kami ng sapatos.. nakita namin yung trip nyang 'puma' na sapatos at ang mahal nya P3190.. sabi ko 'hanap nalang tayo sa iba' ang dami ko sinabi pero pumayag naman sya.. pumunta kami ulit sa gamol (wala kaming nakita).. pumunta kami sa gamol ayun meron kaso iba yung kulay (mapili sya sa kulay) so sige punta sa gale (meron daw dun).. ayun nakabili kami sa gale same price den katulad sa shang.. hehe mahal talaga alangya

pagkatapos namin bumili wasted na wasted na ako (super pagod at gutom na din) so kumain kami.. tinatanong nya ako kung saan sabi ko naman 'kahit saan' hehe.. sabi nya chowking ako naman 'wag' (akala ko ba kahit saan).. anyways kumain kami sa 'sizzling seafoods' at puta ang sarap ng blue marlin nila (pinatanggal ko yung sweet sauce) tas pinadami ko yung 'hot sauce' pero parang wala epek.. hindi naman sya ganun ka anghang.. sa susunod pag kakain ulit ako dun sobra dami na ipapalagay kong 'hot sauce'.. siguro nasanay na ako sa kaka-kain ng tuyo at yung 'chili suka' ko kaya wala na epek mga anghang

  • Sat Apr 7 2007 23:10:20 GMT
  •     Anything Goes
prev next
 

Copyright © 2001-2007 k0n?
webmaster [at] uruha.org