uruha logo - uruha main

kanto foods

down website ko kanina.. so ngayon ko lang na blog to.. natulog ako ng maaga kahapon 11pm palang tulog na ata ako tapos nagising ako ng 7am.. parang ok diba? pero hindi sya ok.. maayos nga tulog ko pero me pasok ako mamayang gabi.. sira nanaman body clock ko ehe.. sarap ng panahon ngayon umuulan.. eto nagbibihis ako at lalabas.. maghahanap ako kung merong tulak goto/mami/pares or kahit anong di tulak na mainit na pagkain hehe.. kung nasa makati ako ngayon kumain na ako sa suki kong tulak pares.. lalo na sa umaga.. ang sarap mainit kanin nya hehe..

*update*
wala ako nakitang kanto init foods.. bagsak ko din sa mcdo.. umorder nalang ako ng sausage mcmuffin w/ egg at kape

  • Mon Apr 14 2008 08:35:43 GMT
  •     Food

k0n sizzling pepper steak

last week bumili ako ng 'raw' beef sa robinson's.. nagbabalak kasi ako magluto ng sarili kong 'pepper steak' parang yung sa sizzling pepper steak sa trinoma.. syempre n00b pa ako at mali mali ginawa ko.. hindi ko na dapat binabad sa toyo, suka, kalamansi etc.. pero syempre naguumpisa palang naman hehe.. ito ang bago kong trip.. anyways bibili kami ni koree siguro mga next month ng bbq grille at para masubukan na din mag grille medyo japex pa ginagawa ko ngayon pero masarap pa din naman hehe..

sizzling plate sizzling plate
local/japex na rib eye rib eye
sizzling :( sizzling gas stove
kahit papaano mabango at nakakagutom tignan rib eye sizzling
well done rib eye well done
ulam rib eye ulam
sa susunod mas ok na

  • Thu Mar 6 2008 16:40:31 GMT
  •     Food

sizzling pepper steak

pumunta kami kahapon ni koree sa trinoma.. nag ikot-ikot kami at tumingin ng kung ano ano.. pero ang pakay talaga namin ay kumain (hindi pa kasi ako kumakain non) kaya nag hanap kami ng magandang kainan.. nakita namin yung 'sizzling pepper steak' ang weird nga e japanese style yung restaurant pero puro sizzling specialty nila at isa pa wala silang mga maki, noodles etc.. hehe pero yun nga gusto ko mga steak hindi ko talaga trip mga japanese foods.. kahit ano basta sunog panalo sa tyan ko :D... halos kasing presyo nila yung sa racks pero mas gusto ko dito sa 'sizzling pepper steak' kasi malaman yung ribeye at masarap.. kinain ko ribeye large(P395), rice(P?? ewan) at icetea(P65?).. si koree naman kiddy meal(P195 - burger steak, carbonara, ebi fry, ice tea).. ang nagustuhan ko yung 'pepper' nila parang iba kasi kumpara sa mga regular na pepper.. ewan... o dahil gusto ko lang siguro yung pagkain.. tinadtad ko ng pepper yung ribeye at isa pa parang niluluto mo na din yung steak sa harap mo (meron silang 'patended' na 'hot plate system' shit kuno)

sa susunod namin pumunta sa trinoma siguradong doon ulit kami kakain hehe

large ribeye sizzling pepper steak - large ribeye
kiddy meal sizzling pepper steak - kiddy meal - carbonara, ice tea, ebi fry, burger steak
kiddy mug sizzling pepper steak - kiddy meal - kiddy meal mug

  • Sun Jan 6 2008 14:47:23 GMT
  •     Food

ministop fried chicken

bumili ako last week or last 2 weeks ng 2pc chicken sa ministop malapit sa 'st. peter' dito sa amin.. pinili ko 2 breast part (ayos lang sa nagtitinda aktwali wala sya paki alam basta kung ano tinuro ko ok lang).. inuwi ko sa house at pucha tama nga sabi ni slak 'malaman' yung mga manok sa ministop.. halos hindi ko maubos yung dalawang part na yun pero pinilit ko nalang ilagay sa bunganga at lunok hehe.. tapos kahapon or nung isang araw try ko ulit bumili ng 2pc chicken.. kaso nasa rob galleria ako nun.. so pumili ulit ako ng breast part.. ayaw ng babae 1 breast lang daw at ibang part.. edi tingin tingin ulit ako pili ulit.. sabi naman nya breast din yun e.. hehe.. sa bandang huli hindi talaga pwede..anyways hindi na ako bibili ng chicken dun sa ministop (galleria).. masungit nagtitinda damot..

ministop - 2pc chicken - st. peter

  • Wed Sep 12 2007 20:03:41 GMT
  •     Food

spam

alam nating lahat ayaw natin sa spam.. pero etong 'spam' na to magugustuhan nyo.. kung trip nyo maalat mas ok to kesa maling.. ako trip ko maalat kaya eto na prefer ko kesa maling.. samahan mo lang ng itlog solb ka na

spam can spam with egg

  • Tue Aug 7 2007 15:07:26 GMT
  •     Food

green mango

nag papasalamat ako ke koree sa pag bigay sa aken ng 'manggang hilaw' hehe.. alam nyo naman siguro na paborito ko to.. speaking of mangga pag pumupunta kami sa up meron don nagtitinda ng mangga sa me entrance ng 'shopping center'.. P11 pesos tapos pwedeng asin or bagoong.. kahapon nasa up kami kaso sandali lang kasi kinukulit ako na 'pumasok' sa work.. hehe no choice din naman ako e.. so pumasok nalang ako... papasok ako pag me 'malalang problema' malala nga kahapon pero hindi technical issue kundi accounting issue.. so bali wala den punta ko napagod lang ako at wala din naman akong nagawa.. nagsayang lang ako ng pamasahe at oras

green mango - manggang hilaw - maasim

  • Sun Jul 1 2007 14:41:31 GMT
  •     Food

bio chemical weapons

ayos yung nabili naming lalagyan (mukha syang bio chem weapons) hehe parang pag binuksan mo me sasabog or kakalat na sakit.. nakakatuwa yung lalagyan pero nabibitin ako parang konti pa din.. siguro lalagyan ko nalang sya ng suka.. ngayon ginamit ko syang lalagyan ng ice tea

bio-chemical weapons

  • Mon Apr 30 2007 18:00:43 GMT
  •     Food

tipid

me bago nanaman akong kina-aadikan na pagkain (junk food ata sya) yung lucky me pancit canton.. nakita ko lang kasi mga utol ko kumakain nun nainggit ako.. tinesting ko masarap pala hehe akala ko japex japex.. pero kahit papaano me lasa naman sya.. bumili ako ng maraming stock (10 na ata).. dun ako bumibili sa comm. ave. supermarket yung bagong (medyo bago) grocery sa me commonwealth ave. (malapit sa diliman) at isa pa 24hrs yun.. tapos sa gilid gilid nya merong mini palengke at mga vendors (may suki din ako ng tuyo dun) P20 lang marami-rami na tuyo at malalaki pa..

ok kumain ng pancit canton habang naglalaro ng dota (adik o) hehe pag tinamad naman mag luto meron din akong bagong trip na junk food yung happy peanuts.. ok den yun habang naglalaro me nangunguya.. syempre di mawawala c2 (P30 yung 1 liter sa supermarket) mura compared sa ministop (P44).. marami pa den akong stock na black tea halos hindi ko na nga iniinom

pupunta den ako mamaya este ngayon na sa galle.. makikipag meet ako ke koree at bibili den ako ng lalagyan ng suka.. suggest kasi ni slak ilagay ko nalang lahat ng sili sa isang lalagyan na puno na ng suka... mas tipid na at parating ma-anghang.. meron din naman nabebenta yung me sili na agad.. pero hmm maarte ako gusto ko ako naglalagay

lucky me pancit canton  happy peanuts

  • Tue Mar 27 2007 16:52:06 GMT
  •     Food

tuyo, baso at itlog

nakalimutan ko i-post.. bumili ako last week ng malaking cup/baso sa ever.. medyo nagsasawa na ako sa ginagamit ko(medyo maliit kasi) at nakakatamad bumaba at umakyat ulit para mag timpla ng kape.. so kelangan malaking baso para one shot nalang yung akyat/baba.. anyways sa bago kong baso nakaka 4x pabalik balik sa timpla hehe.. medyo na-adik ako sa kape.. i-post ko na din yung 'madalas' kong ulam sa gabi(oo gabi, hindi umaga) pero minsan yan den ulam ko sa umaga

front view ng cup  top view with kape tuyo itlog at kanina

  • Sun Feb 4 2007 01:48:47 GMT
  •     Food

walang ganyan sa states

nagkita kami ni kors kanina.. aktwali kala ko wednesday palang ngayon friday na pala at isa pa kala ko din january palang hehe feb na pala.. anyways binigyan nya ako ng manga.. 2 pa with bagoong.... tapos nagdinner kami sa uh sa parang steak house sa gale.. sa likod lang sya ng mcdo(halos).. hindi ko kasi alam yung lugar pero kaya ko puntahan pag nilakad.. kinain namin steak.. 139 lang tapos ang sarap pa.. pwede na.. anyways saka ko na ilalagay pics ng steak pag kumain ulit kami dun.. pix nalang ng manga.. at walang ganito sa states :D

walang ganito sa states

  • Fri Feb 2 2007 23:55:09 GMT
  •     Food

signup form

halos 3 araw na ako dito sa signup form na ginagawa ko hehe tagal no.. maarte kasi ako at gusto ko medyo secured sya kahit walang ssl.. wala ako maisip na maisulat.. update ko nalang tong blog maya

  • Mon Jan 29 2007 16:57:05 GMT
  •     Food

da usual ulam

sinubukan ko yung camera ng k750i so far malinaw naman ni try ko sa madilim at ginamit ko yung 'light' settings nya medyo parang me halong kulay orange pero pag maliwanag ok naman sya panalo yung k750i (mura na para sa 2mp na cell).. eto den yung halos kinakain ko parati pag japex yung ulam

ulam
nag email yung mydestiny sabi nila temporary blocked yung mga sites na medyo 'heavy usage' katulad ng friendster,download.com,quicktime.com etc.. inisip ko bakit hindi nalang sila nag install ng webcache katulad ng squid(temporary) sa ginawa nilang ganyan parang anliit ng uplinks nila.. anyway nakaka bypass naman ako sa mga ganyan gumagamit ako ng proxy(specifically saudi ip) meron akong gamit 4days na hindi pa nagdodown at mabilis pati downloads(>10mb) cached din nya hehe ambait siguro ng admin..

  • Sat Jan 6 2007 08:05:09 GMT
  •     Food

chowking nanaman

nagising ako kanina ng 1pm walang katao tao sa bahay.. pag baba ko wala den ulam.. tapos down pa ang destiny.. saya ng buhay naman o.. edi txt ako sa wala kwentang hotline na '0917-5771111' pucha 3 beses na ako nag txt wala pa ding tumatawag.. ok nakaka 1 oras na nakakainis na tumawag ako sa '841-9393' pinindot ko '1' para sa sales.. aba akalain mo me sumasagot pero sa technical wala (this is business) anyways pinagsisigawan ko yung 'sales agent' sabi i pasa ako sa technical wala sumasagot wag nya sabihing tawag sa 8419393 press 2 or send txt to 0917-5771111 (sinabihan ko na agad.. since alam ko yun sasabihin nun) sabi nya sasabihin daw nya sa technical (malapit lang daw sya sa mga techsupp) ayun after 5mins me tumawag sa aken at nalaman ko me 'maintenance' daw sa area namin.. anak ng teteng hindi man lang nag email na me downtime (kumbaga pull the plug agad bara bara)..

after nun pumunta ako ng ever gutom na gutom na den ako sana kanina pa ako pumunta kesa naghintay pa sa techsupp ng destiny.. dami tao malapit na den maghapon at pasko pa man den.. anyways pumunta ako sa chowking since medyo maliit lang pila at bumili ako ng chaofan beef at chicken mami large.. takeout.. wala akong balak kumain dun at parami na den ng parami mga tao.. pag uwi ko kain agad

o tapos? walang net wala ako magawa naglaro nalang ako ng 'mame' nilaro ko kof97 namimiss ko na den yun e .. kinukuyog nga nila ako.. after nun 'samurai showdown 4' naman dito nakaka bawi ako hehe

since me net na.. it's time to leech

  • Mon Dec 18 2006 21:12:23 GMT
  •     Food

cup mami

sabi sa aken masarap daw kumain ng mami habang nag le-leech.. totoo kaya yun

XXXXX

  • Tue Dec 12 2006 22:40:48 GMT
  •     Food

food trip

lumabas kami ni koree kanina.. kwento ko mga nanyari.. una nagkita kami sa galleria since pupunta kami sa virra mall yun na yung pinaka ok na meeting place.. sumakay kami ng jeep papuntang shoppesville.. tapos ayun andaming tao sa greenhills (hehe expected since malapit na mag pasko) kumain kami sa 'le ching' matagal ko na den gustong dalhin si kors don.. tapos ayun kinain ko 'chicken noodles', 'siomai' at 'black gulaman' (walang beef brisket e).. si koree naman 'spareribs toppings', 'siomai' at 'black gulaman' (aktwali pareho sana kami ng setup kaso walang beef brisket e).. after nun umalis na kami sa virra dami tao e.. pumunta nalang kami sa up

bumaba kami sa philcoa para bumili ng 'manggang hilaw' (naglilihi nanaman ako).. then tambay muna kami sa 'sunken garden' (kwentuhan, inayos buhok ko etc..) tapos pumunta kami sa 'isawan' kaso andaming tao so dun nalang kami sa isawan sa likod ng 'shopping center' kadami den bumibili pero since me upuan dun nalang kami bumili .. inorder namen '15 isaw' at '5 isaw baboy' .. after nun binigay ko yung isang tshirt ko (gusto ko na den ibigay sa kanya since pangbabae yung tshirt) at pinihiram ko na den yung 'linksys befsr41' na router (hindi ko na den sya ginagamit).. tapos uwi

onga pala bumili pala ako ng 'black tea' sa virra mall.. napaka mura nya pramis P35 lang tapos galing china pa hehe

black tea

  • Sat Dec 2 2006 21:41:35 GMT
  •     Food
next
 

Copyright © 2001-2007 k0n?
webmaster [at] uruha.org