mcdo
kanina bumili ako ng 'mga' pagkain sa mcdo aktwali pang almusal ko lang.. since walang kanin niluto dito sa bahay puro puto at pandesal.. medyo tomguts at di ako mabubusog dun
the usual
naadik na talaga ako ng husto sa c2.. kahapon bumili ako ng the usual kong binibili 4x 1liter na c2 at mga tsitserya at siomai na den.. aktwali naka libre pa ako ng 1pc. hehe na dapat 8pcs. naging 9pcs. hehe.. nataranta na siguro yung tindera o sinadya na since madalas den naman ako bumili sa kanila... P48 8pcs. pwede na diba mura.. kung sa lukyuen yan or sa mongkok 4pcs lang yan hehe.. sa kanila naman ordinary siomai parang puro harina nga pero masarap
sbarro
pumunta ako kahapon sa ecpay para kunin yung uh you know.. tapos pumunta naman ako sa galle para makipag meet ke kors.. napa-aga dating ko so tumambay muna ako sa arcade ata nanood hehe tama nanood lang at hindi naglaro.. then kumain muna ako sa gotoking tigang ako sa goto e.. then balik hintay ke kors.. nung lumabas na sya pumunta kami sa gamol.. ikot-ikot/kwentuhan then kumain kami sa sbarro.. after nun uwi na..
pagdating ko sa bahay malas naka off yung internet.. malas nga e japex yung dhcp ng destiny hindi ko alam basta bigla nag down e.. so ginawa ko inoff ko muna yung dhcp then on.. aktwali ang ginagawa ng iba inoff yung modem pero ako ni restart ko lang yung dhcp client..anyways gumawa na den ako ng na mag piping sa google every 10 minutes kung hindi ma ping papatayin nya yung dhcp then i-on ulit hehe
grocery
una pumunta muna kami ni slak sa sm fairview para kumuha ng 'grades' sa informatics.. nakalimutan ko yung exact term para dun e.. after nun pumunta kami sa sm north naghahanap sya ng 600w psu anyways wala den kami nakita.. after nun hinantay namen si koree then nakipag meet kami sa friends nya.. after nun dumeretso kami sa sbarro sila kumain ako hindi since busog na ako ehhee.. then nag split muna tapos kami ni kors nag ikot ikot muna sa sm... then bumalik kami sa tropa ni koree at gigimik sila hindi na ako sumama.. pumunta ako sa fx pila papuntang sm fairview sa sobrang tagal tinamad na ako pumili at nag grocery nalang ako.. bumili ako ng 10 c2 green lite na maliit, mami, tsitserya at kape.. then taxi pauwi
eto nakauwi na badtrip pa den yung mydestiny hindi ko na alam ano problema nito ambagal talaga nya lalo na sa torrent hula ko ni rarate nila yung packets pag sobrang dami filter nila tapos babaan yung bandwidth per packet.. aktwali sa ganitong setup sabog.. isipin mo nag susurf ka tapos nag totorrent ka bagsak na bagsak as in 20kb tas mahirap na mag surf.. tapos pag inoff mo torrent ambilis na masyado ng surf.. luge diba dapat kung ano yung bilis mo yun den yung 'total' bandwidth.. anyways tatawag siguro ako bukas sa sales na ibagsak nalang sa plan 999 tutal bagsak na den bandwidth ano pa silbi diba.. at tanong ko na den ano meron sa plan 999..
c2
meron na palang 1liter na c2.. aktwali medyo matagal na den nasabi sa aken.. ayun pumunta ako sa ever kahapon at bumili ako ng 4 .. hehe ngayon 1 nalang natitira.. kaadik c2 lalo na yung green
inuman
nag inuman kami kina victor kahapon..uh..kanina pala.. ang mga tao andun ay sina ako(syempre),victor,sydrick at gapuz ... sanmig lights at sisig in can.. nagbaraha na den kami at nanood ng ff7(advent) hindi lahat putol putol pinanood namen e.. natuto den ako mag uh tongits.. well next week ulit sana magka-inuman ulit
wendys
kita kits kami kahapon ni lagur sa megamall aktwali antagal ko nag hintay ang 7pm sa kanya e 8pm+ pinoy eh.. kala ko mag i-indian mode nanaman sya.. nag ikot lang kami bibili sana sya ng laruan(regalo sa kapatid) pero deins den sya bumili.. so naghanap nalang kami ng makakain.. una sa polo loco ba yun? kaso kung manok nalang mas gugustuhin ko pa sa foodcourt nalang so lipat.. sbarro taena pwede kaso gutom kami e next.. kenny samething manok lang.. next.. wendys.. pinipilit ko na dun sa japanese noodle house eklat kakaiba kasi e kaso ayaw nya.. so wendys nalang.. pasara na den gamol nung pauwi na kami hehe
korean hot noodles
kumain ako kanina ng korean hot noodles.. actually 2nd time this month of jan.. masyado maanghang o konti lang talaga tubig nilalagay ko hehe.. hindi ko kasi maintindihan yung instructions e..
karl
dumating na si karl sa pinas pero hindi sya magtatagal.. nagkita kami sa bahay nina chris konting usap at dumeretso kami sa 'science and wonders' ata na condo.. konting taping at interview para sa kanya.. nandun den si jojo.. then dumeretso kami sa eastwood
una namin hinanap kung ano pwedeng matinong kainin at wala sa states.. konting ikot at napunta den kami sa 'something fishy' omorder kami ng sizzling spicy seafood, sizzling squid, sizzling sisig, 4x garlic rice at 1 bucket ng san mig light hehe.. konting inom at kwentuhan.. tapos dumeretso kami sa starbucks konting rhumba tas kwentuhan.. napunta kwentuhan namen sa laro (generals, gta, dow, wow, warcrap) nag pa load den sya sa 711(topup ecpay) hehe o ha..
mga 1am na siguro nun nagbalak na kami umuwi.. hinatid ko sya sa bahay nila chris tas kinuha ko mga 'goods' hehe post ko sa next news ko siguro yung mga 'goods'.. tas nag taxi na den ako pauwi
pagka-uwi install ko agad yung 'goods' then laro ultima.. nung naghuhunt ako sa 'terra sanctum' me umepal na player.. me pinapatay ako na dragon bigla nalang sya umepal nawala tuloy ang loot diko alam kung bakit siguro naka tambay lang yung henchie nya at nahampas yung dragon.. anywayz lagi naman namamatay yung umepal endi man lang nya nakita na me mga 'goons' ako na umaatak -_-...
ngayon headphones mode ako since nawalan ako ng 110 adaptor.. yung mga 'goods' na dala ni karl me 110 kasi sya na power na kelangan hehe..
dinner
bago kami pumunta ni slak sa ever kumain muna kami sa isawan sa baba(kina manang) lagi naman kami dun e as usual botsi + isaw.. tapos pumunta kami sa ever bumili ako ng 'rice in a box' chicken teriyaki at henlin siomai.. eto kaka uwi ko lang solb nanaman ako hehe
pares
nagkita kami nina slak kanina sa paresan sa me ever.. kasama ko si odats.. kumain kwentuhan.. nagtatanong na den ako ke slak ng mga tips.. eto me mga bago nanaman akong anime 38gigs diko malagay sa pc ko kasi super puno na yung 80gigs na hd ko.. gustuhin ko man mag burn taena halos 10+cds para ma lipat ko mga new animes ko.. problema wala na den akong blank cds.. yung suki ko sa cdrking eastwood wala deng stock na premium dvdr life sux.. whatever happens.. happens...
pares
bago ako umuwi kanina bumaba ako sa me diliman(paresan) kumain ako ng tapsilog.. tas lakad pauwi.. bored na ako sa work..
food court
nag inuman kami kahapon nina rugs, nil, rj, henry, farley, jason, norman, oliver at erwin sa food court dun sa eastwood... nakaka hiya nga e halos yosi nalang nalibre ko sa techsupp gusto ko talaga manlibre kaso naubos na namen nina rugs.. systems kasi yung first batch mwehehe.. e tinatamad den ako mag withdraw.. after nun dumeretso kami sa gate 1 sa me paresan.. tas kumain kami den taxi kami pauwi.. aktwali sila lang... bumaba na ako sa quezon ave. tas sakay agad jeep.... sat. na ngayon balak namin mag greenhills at mag shopping... ja
medium
galing ako sa ever kanina.. syempre nag grocery ng makakain.. bumili ako 2 potato chips at 3 weiwei cup mami... nag takeout na den ako ng classic tropical hut burger(sarap nun).. tas bumili den ako ng 'marlboro medium'... alam ko natikman ko na yung medium eh kaso matagal na... taena yoko ng lasa nya.. nakaka hilo.. na update ko na den yung animelist ko.. marami dagdag ;) ... yung 'yua: live action' hindi pala anime -_- ... kala ko anime pero pwede na panoorin ko next time.. tinatapos ko yung 'gundam x' tapos nun 'berserk'... dami anime konting oras ^^x
0day at paresan
nasabi ko na ata halos araw araw ako kumakain dun sa paresan malapit sa diliman.. galing lang ako kanina dun as usual super tapsi pero hindi na ako nag take-out ng chicken mami.. apter kumain deretso agad sa select para bumili ng 'goods' kasi burning session ako mamaya(ubos na space eh ^^).. pinanood ko muna yung last 2 eps the 'kimi ga nozumo eien'.. well isa lang masasabi ko malalagay ko sya sa top 5 fav. anime's ko.. drama, love story sya.. aktwali love triangle 2 babae isang lalaki.. nagsimula sila nung nasa hs/elem sila tipong dipa seryoso na pag-ibig.. kaso yung isang babae eh nadisgrasya tas nagkatuluyan sila nung isa.. ang nagpapaganda dito at sa tingin ko yung rason bakit naging #1 to sa animenfo eh sa 'story' nya.. napaka-ganda at nakaka-iyak den.. dapat ganito mga telenovela eh.. nga pala bumili ako kanina ng 16 dvdrs.. patayan to.. ciao..






