more games at canz.net
i'll be adding more flash games @ canz.net.. big thanks to those who 'submitted' their games..
rom updates
nag update ako ng latest mame (0.120) at syempre sdlmame (0.120a).. binura ko na din yung cvs ng xfree86 at nag stick nalang ako sa xorg (debian package) gtk at kde naka debian package na din.. tinatamad na den ako mag compile at hassle/kakatamad na mag compile hehe.. maliban sa mplayer/e16/wine from svn/cvs/git pa din yung sources nila at kino-compile ko pa din (luma kasi yung debian package kahit unstable package pa)

cps3 playable
adik ba kayo sa arcade dati/ngayon? alam nyo ba anong mga laro ang gumagamit ng cps3? kung oo adik nga talaga kayo hehe.. anyway para matulungan ko pa kayo sa ka-adikan nyo ibabalita ko na pwede ng maglaro ng cps3 games.. matagal na to pero ngayon lang ulit ako sinipag mag post sa blog.. kung hindi nyo alam ano ang cps3 punta kayo dito [link] .. simula mame 0.118 pataas playable ang cps3.. pwede na kayo sa pc mag practice ng 'block' sa sf3 hehe.. kung tutuusin ito ang madalas hinahanap na game sa mame (dahil sikat ang sf3 at dahil na din sa block)..
ang kulang nalang yung 'raiden 2'.. hindi pa din sya playable
naglagay na din ako ng screenshots ng sf3..


mame 0.116 and xmame gui
nag update ako ng mame roms ko papuntang 0.116(latest) galing 0.113.. bali kesa i-download ko lahat ng roms nag specify nalang ako ng path sa azureus(oo nag download ako gamit torrent) sa old rom dir ko para patungan/update nalang yung old roms hindi tumagal ng 1hr yung pag download(konti lang naman yung updates siguro less than 1gb) tapos nag hanap ako ng 'matinong' frontend.. yung mame emulator ko pala hindi na x.mame.net kundi sdlmame [link] tapos yung frontend ko naman xmamegui [link] java based yung frontend(oo mabagal pero ito na yung 'matino' yung iba kelangan pa ng pygtk and stuffs.. at least me java na ako at ginagamit ko yung java para sa azureus at firefox) at naka c2d naman ako(kahit mabigat pa java kayang kaya ng proc ko yan hehe)
laro
medyo matagal na din akong hindi nag post dito (lagi naman).. medyo nagenjoy pa ako sa kakalaro ng final fantasy tactics (oo yung psx na laro).. dati adik ako dito e ngayon nasa chapter 4 na ako pero nagsawa ako kaagad.. ibang laro naman siguro.. dami pa nasa list kong lalaruin suikoden ii, tactics ogre, ogre battle or yung vagrant story
pahabol me nagbigay sa aken ng cute kiddy pix.. gusto ko silang katabi matulog hehe
wow private
yun pinag lalaro namin ngayon... world of warcraft (private server) naka host sa debian box ko.. konti lang kami pero baka mag hatak din ako kaso invite lang.. ayaw ko dumami players tapos mangugulo lang or maghahanap ng exploit nakaka walang gana mga ganun (mga bata ganun e)
maliban sa paglalaro ng wow inom ako ng inom ng ice tea (bagong kina-aadikan) yung nestea calamansi... kaya madalas pag nag group adventure/hunt kami brb ako saglit at ihi.. halos isang pitsel nauubos ko kada gabi.. kaya bili ako ng bili ng icetea
lagay ako screenshots konti lang (2 lang aktwali).. hindi kasi ako mahilig mag take ng screenshot habang naglalaro..
classic power
malakas ang pc ko (e6600) pero nilalaro ko puro classic games (mame, dos, psx, nes, snes, etc..) bakit kaya?.. kasi mas masaya pa den ang mga classic games kesa sa mga games ngayon na puros graphics at walang kwentang storya (sample dito ay ang final fantasy 6) siguro nga me mga kanya kanya tayong taste pero i-compare natin ang ff6 sa mga latest ff games? ang final fantasy 6 ay 2.2mb zipped.. 'mb' tapos ilang oras/araw ka maglalaro nito? hehe.. hindi lang yan sa aken lang mas ok storya ng ff6 kesa sa mga bagong ff.. sasabihin nyo siguro mas ok ff 9/10/11 etc.. nilaro nyo na ba ff6? hindi no.. snes pa kasi yun siguro iba sa inyo naabutan nyo pero yung iba baka hindi
anyways wala kinalaman sa console gaming ang i-popost ko ngayon.. tungkol sya sa dos games.. ngayon ko lang kasi na try yung dosbox link at ang masasabi ko lang 'perfect!'.. ito ang hinahanap kong emulator para sa dos games.. hindi ko to nakita dati.. dati ang ginagamit ko ay dosemu at puro problema lang inabot ko (ang dumi ng installation nya) etong dosbox malinis.. da usual drill (configure;make;make install) at meron pang make uninstall .. o diba mas malinis.. ang kelangan lang nya sdl libs.. sakto meron akong sdl naka install.. gagamitin ko sana sya sa sdlmame (ayaw mag compile ng sdlmame sa ngayon) so buti nalang hindi ko sya binura
konting games palang nalalaro ko ang bagal kasi mag download sa underdogs link nung nasa cebu pa ako naka gawa ako ng script para i-download nya lahat ng games dito pero nahalata siguro ng admin na me mga leechers inayos na nya yung download code nya.. me captcha na tapos ibang server pa yung mga games nya aktwali kung sinipag ako baka pag tyagaan ko i-leech lahat ng games nya dun tutal mukhang me toyo yung captcha nya e.. paulit ulit kasi yung 'code' na ginagamit.. anyways.. ang na download ko palang so far ay eye of the beholder 1-3, iron assault at syndicate 1.. at lahat gumagana with sounds and movies.. san ka pa? dosemu sux hehe dosbox rulezz
masyado na mahaba yung na post ko at nagugutom na den ako lagay lang ako ng konting screenshots.. hindi yung fullscreen.. windowed lang at oo na fu-fullscreen sya 'alt-enter' lang saya no? parang vmware nga yung dating me 'hotkey' para i release ang mouse para maka pag trabaho ka pa sa desktop mo tas balik ulit sa game then 'alt-enter' para fullscreen... then enjoy ulit..



sdlmame
kelangan ko mag laro ng mame.. nasabi ko dati hininto na yung development ng xmame ang alternative na magagamit ko ay sdl mame link tapos yung frontend na gagamitin ko ay xmame gui link pangit nga e gawa sa java yung xmame... isa tong rason para magpabagal by default pag emulated games mabagal na e hehe.. anyways mas trip ko yung xmame gui kesa dun sa qmamecat (gamit kasi nya qt4 sana qt3) mag i-install pa ako ng qt4 medyo nakakatamad at dagdag lang hd space.. meron pa pala isang frontend.. yung wahcade (pygtk name kelangan.. same thing dagdag useless libs para lang sa isang progy) at least yung xmame gui gawa sa java.. me mga progies ako na gumagamit ng java (jedit, azureus, firefox).. tiisin ko nalang kung mabagal (naka c2d hindi mabagal yan)
natapos ko na den panoorin yung freeza saga (dbz) after nun yung garlic jr.(diko trip) eto dina-download ko na yung future trunks saga papunta sa android saga
sa enlightenment news naman ang gamit kong theme yung blue eyed mas trip ko sya kesa sa gant.. maganda kasi yung clock nya
razor, krobelus at kardel
ehe na-adik na ata ako sa dota sina razor, krobelus at kardel ang lagi kong ginagamit the rest wala pa.. minsan nagsasawa na den ako e.. back to work naman siguro... pag na-sobrahan ako sa laro baka tuloy tuloy na
laro dota
for the second time naglaro ulit ako ng dota.. eto medyo natuto na ako ng konti.. hindi ko kasi talaga sya nilalaro at nakokornihan ako.. pero kahapon/kanina hehe parang na-adik na ako.. una me ginamit ako hindi ko maintindihan hinahanap ko yung babaeng ahas na me skill na mirror something.. ok tinuro sa aken mali naman napili ko pero sige game lang nag start na den e... as usual parati akong patay.. tapos sa sunod na laro naghanap nalang ako ng iba yung medyo pang 'n00b' suggest nila yung malakas mag spam si lightning revenant.. so ayun na ni try ko medyo ok nga kahit ganun sya kahina naka-patay ako ng isang hero hehe pwede na.. maglalaro ulit kami mamaya
syempre sa side ko mahirap maglaro since 'emulated' yung warcrap 3 ko.. gamit ko yung current wine git.. kahapon nilaro namin naka 'window' mode ako kaya hirap ako mag drag at gumalaw kasi nasosobrahan ko umaalis ako sa 'game window'.. kanina ni try ko fullscreen so far ok naman.. so gagawin ko mamaya start ako ng game sa isang desktop tapos switch nalang just in-case me message ako (alt f1-f2)
hard part
nasabi ko ba na nahihirapan ako magisip kung mag re-reformat ako para pure debian lang? oo nasabi ko hehe.. anyways mahirap kasi dahil nga sa mame .. medyo luma na yung x.mame pero playable pa naman ang mga 'ibang' rom pero me mga games na medyo hindi gagana kasi ang huling x.mame ay .106 eh ang mame ngayon nasa .110 na.. technically gagana pa ang mga 'ibang' roms pero yung mga roms na nasa newer romset >.106 hindi gagana at mga games na gumagana sa .106 mas inayos sa newer version ng mame.. regarding sa ibang emulators ok ok naman yung linux port nila mame lang talaga malabo.. sa mga 3d games malabo ang alam ko lang matino na games sa linux yung neverwinter nights 1 at mga id games na me port sa linux katulad ng (quake,doom) the rest via wine na :(
eto yung mga madalas nilalaro ko sa mame.. aktwali marami pa kaso baka mapuno yung website ko ng images at malulugi den ako sa space/bandwidth

ultima online
hm nagsimula ulit ako mag laro nito.. medyo matagal na din ako hindi naglalaro sa sxc.. well nawala na mga tropa kong ka-hunt dun hahanap naman siguro ako ng mga sira-ulong tao na medyo warfreak na walang paki sa rp hehe wala den akong oras makipag-rp sa mga tao e
ultima online
nagsimula ulit ako maglaro ng ultima online nag stop ako nung namatay ako at hindi ko nakuha yung mga gamit ko.. eto balik ulit ako sa paglalaro necromancer naman ako ngayon medyo mas trip ko yung char ko ngayon medyo parang mas malakas sya kesa dati dahil kaya sa internet speed o dahil sa musicianship? hehe weird no necromancer na kumakanta tapos yung character ko mute pa oo pipi yung character na dinadala ko ngayon.. either way masaya nakakapag hunt ako ng mga malalakas na monster mag isa..
nag update na den ako ng mga pc ko sa 2.6.14.. tapos me 2.6.14.2 na.. late masyado kasi mag update yung mga contributors kaka release lang ng 14 me mga pahabol pa sila dapat sa rc palang me pahabol na or i-stop nalang nila at imerge nalang sa .15 ..
fluxbox etong windowmanager na ginagamit ko an tagal ng walang update patay na kaya?
gaim etong progy ang parating me update halos araw araw me nag co-commit sa cvs
firefox? me 1.5rc2 na... medyo problema sa firefox ngayon yung mga mem-leaks
sa next news ko baka mga rants and shits nanaman.. dahil sa mydestiny nakuha ko bill ko ngayon medyo malaki compared sa plan na kinuha ko sana mistake lang kundi matinding usap nanaman po ito
dawn of war
naglaro ulit kami kanina ni julius ng dawn of war yung map na ginamit namin convergence tapos 3 vs 5.. ako,julius,computer.. tapos yung ai nya harder medyo tumagal pero nanalo kami una na kuyog yung kasama nameng computer kasi atat walang depensa puro opensa kaya ayun na tyugi sya kaagad.. masaya nakakatawa pero mas nakakatawa dati talagang kuyog na kuyog walang tigil sa kaka sugod ng mga kalaban hehe..
games
meron ako bagong laro dito gta san andreas, hitman contracts, splinter cell 3 at still life(tangna ano ba ginagawa ko dapat nagwowork ako a ;)) anywayz yung still life parang fatal frame sa ps2 ata so ni download ko na den.. btw lahat galing sa bittorrent :P.... na download ko na mga latest patch nila pati na den yung mga cracks.. pag uwi ko lalaruin ko agad mabilis naman vid card ko e... can you beat my gt?






