karma
sinasabihan ko sa mga empleyado na umuuwi ng maaga (nauuna sa akin) na sana 'umulan' or sana 'lumakas yung ulan'.. lintek umulan nga (malakas pa).. problema ako nalang nagiisa sa opis ehe.. sakto nabalik sa aken yung ayaw kong mangyari.. di pa din ako naniniwala sa karma..
ulan, fx
sawakas pang umaga na ulit ako.. nakakasawa mag pang gabi.. nung una gusto ko.. pero taena di kaya.. mahirap matulog sa umaga at di maganda sa health pag gabi.. kasarap talaga ng kinakainan kong papaitan sa makati lalo na pag tanghali (parang bagong luto) pag sa gabi parang pinainit nalang.. sa tanghali pala 2 lang kinakain ko yung blue marlin na tig P60 or P80 o kaya yung papaitan P60.. dalawa lang kasi trip kong ulam nila.. da rest shitty foods na.. after kumain ng tanghalian bumibili ako ng 1liter green c2 P41 (pag walang green wag na).. oo mahal yung c2 pero gusto ko e..
bukas may meeting kami sa smart (ito ayaw ko mga meeting meeting).. well.. pag bigyan once lang naman siguro to
hindi na din ako nag ba-bag lately (mabigat e nakakatamad).. tapos pinagiisipan ko kung bibili pa ba ako ng laptop (hindi na siguro.. kasi mabigat sya at pang porma lang.. may pc naman ako sa opis at bahay e) tamad ako mag dala ng mga bag or laptop or shit (payong pwede pa).. ang mahalaga lang naman dala ko yung usb ko.. nilalagay ko sya sa coin purse (para di mawala)
kanina buti nalang nasa waiting shed na ako.. tapos bigla umulan ng malakas mga 30mins din ata yun.. tapos nung huminto ulan sakto dumating yung fx.. tapos itong si driver parang baguhan pa (sa edsa dumaan) alam naman natin na traffic talaga sa edsa dun pa sya dumaan.. yung iba kong sinasakyan na fx hindi sa edsa dumadaan.. dun sila sa tulay ng makati tatagos ng san juan, timog, quezon ave, tapos philcoa.. medyo mabilis yung routa na yun kaso problema pamatay sa manibela.. kung saan saan liliko hehe.. anywayz basta makauwi at maka-kain sa paresan.. campto soup rulez
phpug-ph first developers conference review
ngayon ginanap yung 'first' 'official' php developer conference sa pinas.. official sabi nino? sabi ng group of forum moderators hehe.. anyways kung isa kayo sa mga pumunta me natutunan ba kayo? or payabangan ng gadgets, payabangan ng position sa trabaho, nakahanap ka ng papa, nakahanap ka ng chicks.. pusta ko wala kayo natutunan :)... sasabihin ko na agad hindi ako pumunta at wala akong balak pumunta kahit libre pa sya.. aktwali hindi libre me bayad pa.. nung nagka 'debian' 10yrs anniversary dito last 2004 voluntary ang bayad at kkb pa nga ata.. ayos din rumaket mga tao ngayon.. pera nga naman!
isa-isahin natin yung mga plans sa event:
lahat ng topic na yan consired isang topic diba... bat pa ginawang 3? php and mysql... lamp for life.. eh for short php at mysql pa din naman.. bakit pa hiniwalay.. ah siguro para malagay sa resume nila 'speaker' ako sa ganitong event.. nice.. sana naki join na din ako siguro topic ko 'lamp 101 - it trends' o diba :)
PHP and MySQL (Database) by Gavin Lim (Training Coordinator, Activelearning)
IT Trends (Business) by JR Yap (Executive Consultant, MyPortal Exchange Inc.)
LAMP for Life: The Beginning to Infinity (PHP/MYSQL/APACHE/LINUX) by Edison Go Tan (Head, National Broadcasting Network New Media Division)
ito ang the best part.. 'intermediate'.. kung isa kang intermediate user/developer gagamit ka ba ng 3rd party apps? oo para mapabilis trabaho.. professionally speaking tama ba ito? ini-expect ko topics ng intermediate tungkol sa sockets, creating php modules, classes... ito pa ok yung isa dyan nilagay pa nya 'San Francisco' hayop.. wala ba maglalagay 'Manila, Philippines'? bakit? ah jologs tignan pero pag US ok pakingan.. typical payabangan ng pinoy.. tapos yung isa pa dyan junior developer.. hehe ayos ulit
Drupal and Zend Studio (PHP) by Roger Filomeno (Mobile Specialist, TechBiz Asia Group Pte Ltd)
Mambo Management Basics for Educational/Governenment/Enterprise Sector Applications by Richard Peter Ong, (Core Development Team, Mambo CMS, System Administrator and Software Developer for SysIQ, San Francisco)
Using AJAX with PHP (PHP) by Reynold E. Lariza (Junior Developer - SimpleSoft Inc.)
wow singapore yung isa nakaka inggiittt namaaannn :)).. wala bang maglalagay ng Manila, Philippines?... ito advance topic.. tapos yung isa dyan (RAD).. alright pag advance user ka gamit ka ng rad.. nice.. zend core and oracle for the lazy.. alright pang advance nga..
Test Driven Development in PHP: Recap (PHP) by Andre John Cruz (Application Developer, Barclays Singapore)
Zend Core and Oracle for the Lazy (Database) by Clodelio Delfino (Moderator/PHPUGPH)
Web Application Security by Eduardo Tongson (Keywest Technologies Corporation, IT Manager)
CakePHP Revisited - Challenging the claims of Rapid Application Development (RAD) by Reuben Ravago (OLM Technologies, CEO)
ito lang 'short summary' ng mga pinagsasabi ko:
1. sa mga speaker (salamat sa mga pumunta at may malalagay ako sa resume ko na speaker ako)
2. sa mga pumunta (mailalagay ko PHP Developers Conference under 'seminars')
3. sa mga organizers (yes me konting kita)
4. sa mga sponsors (90% company/projects ng mga forum members / advertising)
5. sa mga walang gf (dami chicks :D)
gulo sa makati
me gulo nanaman kanina sa makati.. pangalawang beses na papansin talaga yang trillanes na yan.. sana nga binaril nalang sila.. me nabasa pa ako sa inquirer:
nagpapatawa ba sya? sino yung everybody nya? dapat hindi nalang sya lumabas at binaril nalang "sila" matutuwa pa siguro ako..
personal / political reasons.. gagawa nalang sya ng gimik palpak pa..nasan rally? sino magbabayad sa mga "nasira" nya..
e syempre hindi naman sya political figure in the first place.. isa syang uto uto at wala namang alam sa batas
personal reasons again.. tanga talaga
nabanas lang ako ngayon diko nabasa lately yung mga "articles" ni dolly anne carvajal hehe.. kung hindi nyo sya kilala nako po....
villa excellance
pumunta kami kahapon sa 'villa excellance' sa tanza, cavite.. sasabihin ko na hindi maganda don pwedeng biased (hindi maganda experience namin).. una sa lahat ang pangit ng dagat (medyo marumi sya) me mga kalat.. yung sand naman (me mga kalat din).. sa gabi konti lang yung lights (aktwali 1 lang naka bukas).. syempre marami din taong gusto mag night swimming.. uunahan ko na kayo.. hindi lang kami nandun medyo marami din tao.. ok siguro sa umaga pero sa gabi malabo at makati yung dagat.. me mga seaweeds at yung maliliit na beetle (hindi ko alam ano tamang term dito) at makakati mga yun
sa cottage naman medyo tama lang siguro yung presyo (1x bedroom, 1x cr) nasa P2.5k+ sa bedroom pwede siguro 4 dun (2 sa kama 2 sa sahig) yung cr typical cr parang sa mga low class restaurant.. hindi madumi at hindi den malinis.. yung tipong 'tama' lang.. walang shower sa cr.. mas ok pa maligo sa 'public cr' nila.. sa public cr naman medyo marumi yung sahig at yung mga tiles sa gilid (yan yung nakakahiya) sa susunod pipicturan ko para makita nyo yung sinasabi kong madumi.. tapos sa public cr me sira pang toilet hindi den nag flu-flush kelangan mo pa buhusan ng tubig para mag flush (me isa nga dun tinamad na siguro mag flush naiwan yung jirbaks nya)
sa presyo ng pagkain wag ka na.. mas malala to (grabe presyo).. kaya kung pupunta man kayo dun siguraduhin nyong me baon kayo presyo ng cup mami nila P40.. simpleng tsinelas (spartan) P100.. coke in can P25 (eto pwede pa).. c2 500ml P25 (pwede pa) pero mga presyo nila taga pa din... 24pcs. sanmig light P744 (P31 light P28 pale).. sobrang taga
enjoy naman dun.. aktwali mag eenjoy kayo kasi 'kayo kayo' ng mga office mates/kaibigan/pamilya hindi yung 'beach experience'.. wala na sa list namin yung 'villa excellance' kung 'beach' lang ang paguusapan..
pagod
kahapon pumunta ako sa 'shang' para mag hanap ng sapatos.. inikot ko na yung mall pero wala pa den akong nakita (pagod na ako nito) after nun inisip ko sige 'megamall' naman inikot ko den yung floors mula taas hanggang baba.. wala pa din... inisip ko siguro sa 'gale' meron sa mga shops.. lipat naman ako sa galle.. wala pa din.. wasted na wasted na ako (naghahanap kasi ako ng steel toe na caterpillar).. sumuko na ako.. inisip ko gastusin ko nalang sa pagkain.. edi kumain nalang ako mag-isa sa 'mongkok'.. halos P200 den nagastos ko hehe.. pagkatos konting ikot din with koree tapos uwi..
paguwi ko sa bahay pagod na pagod nakatayo pa ako sa bus nun.. tas lakad pauwi.. super pagod.. ansarap umupo at natulog din ako agad
sabado na ngayon ang init sa kwarto walang magawa.. siguro matutulog nalang ako sa baba medyo hindi mainit kasi dun kesa dito.. (wala kaming aircon).. at ayaw ko din ng aircon.. gusto ko yung natural na hangin.. kaya ko magpakabit at bayaran yung kuryente pero hindi ko talaga trip yung aircon
pinoy
ang post na ito ay may kinalaman sa mydestiny.. nag browse ako sa forums nila at nakita ko nagrereklamo (halos lahat) ng tao link at karamihan sa kanila mga long time subscribers na.. yung isa pa dun 4yrs na daw sya sa mydestiny tas puro reklamo kesyo mabagal/latency at kung ano ano pang shity reklamo.. alam naman natin me solustion e.. since matagal na sila wala na sila sa 'lock in period' pwede silang mag pa disconnect at kumuha ng ibang isp.. pero nagtataka kayo bakit hindi sila nagpapa dc? hindi loyalty ang sagod kasi kagaguhan yan ambagal ng internet lugi ka sa binabayad mo monthly.. ang sagot dyan panalo sa destiny.. bakit kamo? una sa lahat P999 lang (vat ex) sa P999 meron kang 2mbps max speed tapos me free cable tv ka pa (splitter lang).. ang mura nyan kumpara sa ibang isp ano panlalaban mo sa P999? smartbro? pldt? lolz hindi nga umaabot sa 512kbps yung smartbro tapos halos 1k na binabayad mo.. ganun den sa pldt or sa iba pang isp
natural sa pinoy magreklamo puro satsat.. meron pa dun sa forum nag initiate na magreklamo daw sa ntc link ano napala nila? wala! .. kahit ano ibato nila sa ntc wala din silbi since kakausapin din ng ntc ang mydestiny tas si mydestiny naman gagawa lang ng pr palusot letter tapos na lahat ng problema... tapos me isa naman idaan daw sa media (lolz typical pinoy all talks) walang nangyari.. hindi pa tapos yan.. idaan naman daw sa local 'blog scene'.. ano napala? wala pa din link yung mga nag post ng comments sa article ay mga forum users den ng mydestiny hehe.. kung mabagal mydestiny tiis kung mabilis saya yun lang naman yun..
gma portal project crap
me nakita akong bagong post sa inq7 link gagawa daw sila ng 'web-based' system para mag transfer ng documents at hindi lang yan nagsasabi pa sila 'secure' yung pag transfer... kaya ko nasabi 'crap' kasi ang mahal ng budget para sa project na yun P12M (twelve million) grabe! dyan ba napupunta yung tax natin?
una sa lahat hindi aabot dapat sa ganyang kamahal.. since me nabanggit na 'vpn' so expected ang ll vpn (lease line vpn) eto ang medyo mahal.. pero intranet naman nasa 10k+ monthly ang 64kbps lease line.. ilan ba gagamitin nila? 40+? masyado ata malaki yung P12M para dun since makaka discount pa sila sa telcos kasi 'government' naman ang gagamit.. eto pa siguro 'mahal' yung 'portal' mismo kung tutuusin kung tamad yung developer pwede sila mag setup ng 'phpbb' palitan nalang nila yung 'graphics' para mag mukhang cute/professional/yada yada
sa router side naman.. pwede naman linux based mas mura pa at isa pa secure by default ang vpn kasi hindi nakikita to sa internet (kung makulit admin siguro oo)
sarap siguro maging government employee lalo na sa 'it' konting bola lang sa superiors parating puno na ang wallet ko
tangina ang init
ang init ngayon tangina.. last week anlamig pero ngayon pucha sobra sa init e.. wala akong thermometer dito sa kwarto kaya diko masasabi gaano kainit ngayon pero sure ko sobra sa init kasi pinapawisan na ako.. anyways pupunta den ako sa sm fairview maya ng konti or ngayon na(deins na ako makatiis sa init e).. bibili ako ng dvdrs at full wheat croissant ng french baker.. kelangan ko ng dvdrs para ma backup ko yung mga files sa sata drive ko(160gb ntfs) medyo marami-rami den kelangan i backup nasa 130gb+.. so mga 30+ dvdrs yun.. tapos i foformat ko sya ng fat32(alam ko pwede i format ng fat32 sa linux.. pero syempre hindi pwede yung mga single files na tig 2gb).. ayaw ko na den ng audacious dami deps dun nalang ako sa xmms kahit glib1/gtk1 pa kelangan nya at me konting updates naman sa cvs
eto konting personal trivia
1. para mag mukhang professional (aminin mo na)
2. para maintindihan ng lahat (oo tama to lalo nat me mga international listeners/viewers/yada yada)
3. para mukhang cool (psychologically.. yung iba nag e-english e.. edi gayahin)
4. kelangan sa work (totoo to.. kung boss mo foreigner.. para maintindihan ka.. pero kung hindi bakit ka pa mag e-english kapwa pinoy hindi maka intindi ng tagalog?)
5. global competitiveness (isa lang masasabi ko.. sa tamang lugar)
6. para mukhang edukado (aminin mo na)
7. k0n (gagamit ako ng english pag kelangan lamang.. trabaho o personal.. ps. me mga work ako na ang boss ko ay foreigners)
mydestiny.net hosting illegal contents
nabasa nyo yung news title? yes, corek kung naka mydestiny.net ka gusto mo ng movies? books? scandals? little mermaid? pacquiao vs. morales? mission impossible movies? rocky movies? we've got it all for you... punta lang kayo sa ftp ng mydestiny meron mga yan... meron din dun reviewer ng ccna.. maraming movies dun naka dvdrip.. siguro kaya mabagal internet ng mga mydestiny.net subscribers ginagamit ng admin yung bandwidth para mag download ng kung ano ano.. ang full ftp path ay 'ftp://ftp.mydestiny.net/pub/Linux/utilities/hlinit/whlinit/utilities/services/webmin/webaliser/mine/'
inquirer excuses
wala ako magawa kanina pa(lagi naman e) so nag hanap ako ng pwedeng ma surf.. da usual routine cnn,inq,slashdot,etc.. nung na-open ko yung inquirer.net nagtataka ako bakit naka express mode tapos me nakalagay 'due to high traffic yada yada' sabi ko huh? bakit naman kelangan i express mode eh diba nga nagkaroon ng quake sa taiwan so ibang isp's nahihirapan(malamang mag vivisit sa inquirer.net) mga local users diba at mga servers nila nasa us... kung high-traffic pwede naman ipa-upgrade ng bandwidth at sandali lang naman yun less than an hour kadalasan sa mga dedicated hosting.. or marketing strategy nila para hindi lumipat sa ibang news site ang mga local readers? naman magsisinungaling pa ba sila sa 'due to hightraffic' sabihin nalang nila 'due to problems with local isp's accessing this site'
info about the 'leading' newspaper:
1. can't buy the bandwidth (sila #1 daw sa print media diba)
2. excuses (ayaw nila aminin na me problema sa local isp's)
3. high traffic (afaik ang madalas na pupunta sa site nila mga local readers since regarding local news ang market nila.. so how come high traffic kung me problema nga dahil sa taiwan quake dapat nga low traffic)

signs and wonders
sabado boring, walang tao sa bahay, walang pagkain etc.. nagising ako ng 5pm patay lahat ng ilaw walang ulam sa bahay gusto ko lumabas para bumili ng ulam kaso tinatamad ako at naghihintay baka me dumating na me dalang ulam.. wala pang crack sa 'gothic 3 1.09' napaka boring talaga ng araw na to
bank
pumunta ako sa metrobank sa me san juan.. wala den.. naabutan ko sarado na.. nabasa na ako ng ulan ambilis ko na mag lakad umalis ako ng 1300 dumating ako ng 1510.. la kwentang banko talaga mga nagsasara ng maaga buti ba yung banco de oro hangang 1700
meralco sux
kahapon 2 beses nag brownout tapos kanina me brownout ulit.. alangya masisira pc ko nito e.. lalo na si bebop medyo me problema pa batery nya pag nagbrownout reset cmos sya.. edi tanggal monitor/keyboard lipat ako ke bebop.. headless kasi si bebop e..






