grande island resort
kakauwi ko lang galing sa outing.. buti hindi umuulan sa subic kahapon at nung thursday.. bali umalis kami nung thursday ng 6am at nasa maynila na kami ng (friday) 3pm.. me time na masaya at boring sa outing.. well ang boring lang naman sa akin yung games (diko talaga trip mga team building/games.. buti sana kung paguusapan mga projects mga tips/tricks para mag work out isang project yada yada.. kaso pinag gagawa namin mga games.. pero baka nga ganun talaga team building hehe).. maliban sa games ok naman
bali sa grande island resort [link] kami pumunta.. so far ok naman yung lugar.. wala akong pics kasi wala naman akong camera at iniwan ko yung samsung na cellphone (may cam na 5mp) dala ko yung k750i ko (hindi ko naman ginamit yung cam) at natutunan ko din na mas ok yung wag nalang mag dala ng camera kesa sa magdadala ka.. bakit? kasi pag hindi ka nagdala kasama ka parati sa mga pictures sa mga nagdadala ng camera hehe.. so pag dating sa office transfer transfer nalang.. o diba.. at isa pa may card reader naman mga pc namin (hi tek).. so kahit nakalimutan ng mayari yung usb cord nya pwede isaksak sa pc yung memory card ng cam nya
5 kami sa kwarto (dapat 4) pero sabi magbibigay naman daw ng banig or samthing.. kaso hindi naman binigay.. ayaw ko din naman sa malambot.. so ginawa namin tinangal namin yung mattress ng isang kama tapos kinuha ko yung mga foam sa mga upuan sa labas tapos pinatong ko nalang sa kama (medyo matigas na to) ayun me higaan na ako hehe.. 2 lang kama sa isang kwarto btw.. bawat kwarto may tv/ref/banyo/private safe/aircon/ref/coffee maker/phone.. may ip phone sila (alangan softphone diba ehehe).. kung me dala akong laptop ikakabit ko sa laptop ko yung lan ng phone tas kalikot hax0r modez..
ang ok lang sa kwarto yung banyo.. malinis at may heater!!!(gusto ko ng mainit).. ang problema naman yung tulugan medyo malamig (may aircon e).. since ayaw ko ng lamig at majority ng kasama ko gusto ng malamig.. may solution tayo dyan.. kinuha ko ang remote control ng aircon at walang makakaagaw sa akin so sinet ko ng fan mode lang yung aircon heheheheh.. kahit saan ako pumunta dala dala ko remote.. nagtataka nga sila nung tumambay ako sa pool bat me dala akong remote ng aircon.. eto lang sinabi ko.. 'ayaw ko ng lamig at baka me mag adjust ng aircon naninigurado lang ako'.. hehe yan ang fair.. aktwali nung nakita ko tulog na lahat ng tao (2am na) pinatay ko yung aircon hehe... malamig din naman kasi e
nung tanghalian na.. edi syempre kamain na kami lahat.. hinintay ko na wala ng tao sa function room (kainan) tapos pina-takeout ko lahat ng tira tirang ulam.. parang nabanas yung nag seserve kasi ako lang ata nagpapa takeout e.. pag dating sa kwarto taka sila andami ko dalang bag at styro (take out hehe).. pulutan din naman yun e.. sayang kasi at binayaran naman yun..
nag adventure din kami nung hapon.. 4 kami naglakbay kung saan-saan.. hinila ko mga kasama ko sa work.. ang adventure yung maghahanap ng risk.. pag walang sugat/dugo hindi adventure yun.. pinuntahan namin gilid gilid ng isla (isla kasi yung grande island) yung mga hindi nadadanan ng tao.. anlayo ng dinaanan namin.. sa gilid ba naman ng isla maraming bato.. mas malaki pa sa tao mga bato.. me bato madulas(lumot) me hindi me bato din na magalaw meron din hindi.. muntik na ako matumba nun.. na outbalance ako tapos yung tinatapakan kong bato magalaw pala.. kung hindi ako naka hawak agad untog ako at duguan siguro.. pero ito ang adventure e.. pinuntahan namin mga hindi pwede puntahan.. tapos nung nakalayo na kami medyo dumidilim tapos umambon pa.. kelangan na namin bumalik.. problema kung babalik kami sa dinaanan naming routa matatagalan kami.. tumataas na din yung tubig dagat.. medyo nakatakot na.. pwede kami bumalik kaso kelangan namin umakyat pataas.. ang problema pataas.. as in vertical walang kapitan hehe.. medyo may slant pero ma-outbalance ka pag tumayo ka ng diretso.. no choice sa harap namin puro bato ulit hindi namin alam kung me daan ba dun o wala.. so akyat nalang.. problema ulit nung nagsisimula kami umakyat.. ang daming bubog.. mga basag na bote at kung ano ano pa.. kasi parang tambakan ng basura aakyatin namin.. no choice tumataas tubig dagat at dumidilim sige risk akyat na.. kaka simula ko palang umakyat nasugatan agad ako sa kamay.. lintek na bubog kasi e.. sige ingat nalang.. nung nasa gitna na.. muntik naman ako ma outbalance yung kakapitan ko akala ko ugat ng puno.. lintek kahoy lang pala.. buti nalang naka hawak ako agad.. kundi rolyo ako nun pababa.. bubog na bato pa sa baba (i'm dead).. tas nung nasa tuktok na kami me guard pa.. akala siguro nya terrorista kami.. hehe off limits kasi yung lugar tapos tambakan pa.. ayun nung naka balik na kami sa sibilisasyon.. ligo ulit sa dagat.. ang dumi namin e.. hindi ko makakalimutan yung araw na yun.. masaya.. sana me videocam kami na dala.. adventure kasi talaga sya at high risk..
medyo humahaba na tong blog.. i-summarize ko nalang:
1. adventure - kung gusto nyo mag adventure sa 'grande island resort' umpisahan nyo sa entrance ng island tapos ikutan nyo yung island mula sa seashore(gilid ng dagat) marami kayong madadaanan na bato nyan pero adventure talaga..
2. food - yung ibang pagkain na ni-serve nila parang paulit ulit lang.. parang same lang yung almusal at tanghalian pero iba iba.. pero parang inulit lang yung ulam.. sample.. kung rice sa tanghalian.. fried rice sa gabi.. kung litsong manok sa tanghali.. adobong manok sa gabi hehe.. gets nyo?
3. pool/dagat - malinis yung pool.. pero pag dating sa gabi bara bara na.. me nag yoyosi na sa pool.. me nagiinuman pa nga e.. parang wala ng pakialam/antok/tinatamad na yung mga staff.. sa dagat naman parang ayos lang.. me part makati pero semi-white sand.. me part naman medyo clear pero ang daming tinik/batobato
4. rooms - ito yung da best talaga sa kanila.. malinis at maayos
5. misc - may volleyball court, playgroud, pocket bike, gun range?, banana boat, etc.. visit nyo nalang yung website..
grande island resort [link]






