uruha logo - uruha main

mada mada dane

matagal ko na din pinagiisipan kung i-dodownload ko yung 'prince of tennis' parang korni kasi pakinggan eh.. parang pokemon hehe.. pero eto na tapos ko i-download lahat ng eps nya (178 eps).. parang slamdunk sya kaso puro tennis.. pwede na syang pagtyagaan kesa walang mapanood

galing din kami kahapon sa gamol at bumili na din ako ng fisherman hat/waway/wangbu(kung ano man tawag dun) sa habagat

tapos nag dinner kami sa 'mey ling' isa sa mga 'weird' na kainan sa 4th floor.. gusto ko den kasi ma try yung mga 'weird' na kainan dun e.. bakit ko tinatawag na weird? kasi sila lang ata yung kainan sa 4th floor at magkakatabi silang restaurant na ang weird ng ulam nila (at least sa mey ling dimsum type sya w/c is paborito ko mga ganun) yung bill namin umabot sa P440 (akala ko ba mag titipid na tayo) ehe

fisherman hat - wangbu - waway - habagat  fisherman hat - wangbu - waway - habagat

  • Tue Jun 26 2007 17:11:29 GMT
  •     Anime
 

Copyright © 2001-2007 k0n?
webmaster [at] uruha.org