gma portal project crap
me nakita akong bagong post sa inq7 link gagawa daw sila ng 'web-based' system para mag transfer ng documents at hindi lang yan nagsasabi pa sila 'secure' yung pag transfer... kaya ko nasabi 'crap' kasi ang mahal ng budget para sa project na yun P12M (twelve million) grabe! dyan ba napupunta yung tax natin?
una sa lahat hindi aabot dapat sa ganyang kamahal.. since me nabanggit na 'vpn' so expected ang ll vpn (lease line vpn) eto ang medyo mahal.. pero intranet naman nasa 10k+ monthly ang 64kbps lease line.. ilan ba gagamitin nila? 40+? masyado ata malaki yung P12M para dun since makaka discount pa sila sa telcos kasi 'government' naman ang gagamit.. eto pa siguro 'mahal' yung 'portal' mismo kung tutuusin kung tamad yung developer pwede sila mag setup ng 'phpbb' palitan nalang nila yung 'graphics' para mag mukhang cute/professional/yada yada
sa router side naman.. pwede naman linux based mas mura pa at isa pa secure by default ang vpn kasi hindi nakikita to sa internet (kung makulit admin siguro oo)
sarap siguro maging government employee lalo na sa 'it' konting bola lang sa superiors parating puno na ang wallet ko






