sizzling pepper steak
pumunta kami kahapon ni koree sa trinoma.. nag ikot-ikot kami at tumingin ng kung ano ano.. pero ang pakay talaga namin ay kumain (hindi pa kasi ako kumakain non) kaya nag hanap kami ng magandang kainan.. nakita namin yung 'sizzling pepper steak' ang weird nga e japanese style yung restaurant pero puro sizzling specialty nila at isa pa wala silang mga maki, noodles etc.. hehe pero yun nga gusto ko mga steak hindi ko talaga trip mga japanese foods.. kahit ano basta sunog panalo sa tyan ko :D... halos kasing presyo nila yung sa racks pero mas gusto ko dito sa 'sizzling pepper steak' kasi malaman yung ribeye at masarap.. kinain ko ribeye large(P395), rice(P?? ewan) at icetea(P65?).. si koree naman kiddy meal(P195 - burger steak, carbonara, ebi fry, ice tea).. ang nagustuhan ko yung 'pepper' nila parang iba kasi kumpara sa mga regular na pepper.. ewan... o dahil gusto ko lang siguro yung pagkain.. tinadtad ko ng pepper yung ribeye at isa pa parang niluluto mo na din yung steak sa harap mo (meron silang 'patended' na 'hot plate system' shit kuno)
sa susunod namin pumunta sa trinoma siguradong doon ulit kami kakain hehe






