Sampung Piso para sa #38
Fact 1: Laging late si Koree.
Fact 2: Lagi akong naghihintay kay Koree. -_-
Fact 3: Hindi ako natutuwa sa Fact 1 lalong lalo na sa Fact 2.
Uumpisahan ko ang kwento sa "wala". Oo sa "wala" dahil kanina "wala" akong load sa cellphone. Pero ngayon, may P300 worth call/text load na yung cell ko. Hah!
Anyway, pumunta muna ako sa intermedia para kunin yung "yon", pagkatapos non pumunta ako ng rob para mag lunch at i-meet si Koree. As usual, naghintay na naman ako. Pero, iba to - sukdulan na! Una, sinubukan ko muna siyang i-text para ipaalam na andito na ko. Ilang minuto ang nagdaan, wala akong nakuhang reply. So sige, sinubukan kong magpa miss call. *dial* Putcha wala pa rin! Para saan pa ang cellphone nya kung ganon? Totoo yung sinabi ni Koree na, "tamad akong gumamit ng cellphone".
Last and moste effective resort: yahoo messenger.
Pumunta ako sa netopia para mag online sa ym. Nag online kaagad ako sa ym at nag BUZZ! ng dalawang beses. Bakit ganon? Bakit ang tagal pa rin nyang sumagot? Ilang minuto pa nakita ko ang status sa ym window - "typing a message" - HALLELUJAH! *HOUSTON, WE HAVE CONTACT*
koree: san ka?
Ayun, sinabi ko kung nasan ako. Pumunta sya sa netopia. Nakita nya ko na nakaupong mag isa. Inis. May dala syang malamig na C2 green tea, parang peace offering na rin siguro. Grabe eh! Grabe! Hindi ko mabilang kung ilang beses sya nag sorry.
Nagbayad ako ng P10 para sa rent ng pc sa netopia. -_- Parang nawalan ng silbi yung smart load ko kay Koree.
Ayun nag lunch na lang ako kasama sya. Pagkatapos mag lunch hinatid nya ko sa may sakayan ng jeep, may work pa kasi sya.
Magkikita na naman kami mamaya. Ilang minuto na naman akong maghihintay?
Boooooo!
(posted by: koree)






