na adik ako sa vmware
medyo na-adik nga ako sa vmware link balak ko kumuha ng extra mem para sa gateway box ko.. ang nakalagay ngayon 512mb gusto ko sana kahit 1gig man lang tapos install ako ng win2k3 or xp tapos me mga guest os ako.. siguro isang firewall at isang squid para testing.. ayon sa nabasa ko possible i-virtual yung external nic (sample mydestiny) tapos yung isang nic naka bridge sa local network dito.. ansaya diba hehe ram lang talaga kelangan... at balak ko den gamitin vmware sa production environment (sa opisina) tutal hindi naman graphics mga hina-handle ko puro server types so 'ram' pa den kelangan
kesa bibili ng maraming pc para sa servers pwede kumuha nalang ng 1 pc tapos mataba yung mem at hd tas virtual lahat ng process/applications.. mas tipid sa space (1 pc/server lang compared sa maraming pc/server) pero pag nasira yung pc sira lahat e.. pero ang kinaganda naman basta me backup ka lang ng virtual os pwede ilipat sa ibang pc at pwede ka mag save ng snapshots para madali i revert sa last snapshot (nag ka virus / palpak mga pinag gagawa mo na hindi mo na alam ano gagawin) o diba.. hd space at ram lang talaga kelangan...
sa isa kong employer meron syang dual xeon box at nakalagay centos tapos webserver lang (sayang diba).. pag kinontak ulit ako propose ko virtualization yung xeon na yun sasalpakan ko ng webserver, firewall, squid at kung ano ano pa.. separate os lahat (sayang naman kasi yung processor tapos walang ginagawa e)






