uruha logo - uruha main

2007 year end shits

bago matapos ang taon na ito sasabihin ko mga nangyari at mga nagawa ko..

Work
last month bumalik na ulit ako sa pagiging robot(full time work).. semi-flexible naman yung oras ko pero hanggang 11am lang.. hindi ako pwede lumagpas ng 11am kundi considered ng late yun.. matatawa kayo pag sinabi ko na la-late pa din ako tapos 'araw araw' ako sumasakay ng taxi.. mula sa amin hangang eastwood ay 140-160(paiba-iba ang bayad me meter na mabagal me meter na mabilis eh iisa lang naman daanan).. pinapadaan ko sa philcoa(cp garcia) pag barado naman sa cp garcia dun ko pinapadaan sa loob ng up na yung labas nya yung malapit sa asti.. anyways.. challenging yung position ko ngayon medyo nakaka stress at ubod ng office politics pero masasanay din ako
Food
hindi mawawala yung trip ko sa mga junk/exotic foods.. trip ko pa din tuyo,isaw,botchi,atay,balun-balunan,goto,mami at tokwa.. pag nasa office naman konti lang choices ko sa pagkain madalas kinakain ko papaitan, beef steak(ang tagal lutuin), lumpia, tokyo tokyo at kfc.. hindi ko alam ano tawag dun sa mini-canteen sa taas ng tokyo tokyo pero ubod ng sebo yung papaitan nila (bakit pa ako kumakain dun? trip ko papaitan at masarap kahit me sebo hehe).. pag sa malls naman kasama si koree madalas kami sa sizzling steak, sizzling seafoods, kenny, sbarro, kfc, shakeys, yellow cab at mongkok.. pero lately madalas kami sa inasal bacolod.. next year magiging 'year of the chicken' ang theme ng pagkain namin.. expect ko next year madalas kami sa inasal, racks at kenny.. speaking of racks unang sahod ko nilibre ko si koree sa racks..
Vice
nag quit na ako uminom(alak).. nung early december nag inuman kasi kami tapos kinabukasan ang sakit ng katawan ko.. 2 araw ako hindi pumasok.. lintek na 'something fishy' yan.. me lason ata yung alak nila or yung pagkain nila.. ironic.. nag inuman ulit kami (hindi ako uminom) yung isa 2 araw den hindi pumasok.. sumakit den yung katawan nya hehe.. sabi nila baka me kalawang yung bote.. either way nagka trauma na din ako malala nangyari sa aken e.. kung kayo nasa eastwood at gusto nyo mag-inuman wag kayo sa 'something fishy' sa iba nalang kayo.. something fishy talaga yung mga ni-seserve nila.. pero yun lang alam kong mura na inuman dun e.. sa yosi naman.. sabi ko bawasan ko paninigarilyo ko.. well nabawasan naman.. pero nag yoyosi pa din ako..
Gadgets
ngayon taon na ito medyo hindi ako nagbibili ng mga gadgets.. at ini-expect ko next year hindi din ako mag uupgrade or bibili ng mga pc parts.. aanhin ko pc kalahati ng araw nasa office ako.. 2 lang nasa isip ko bilhin next year.. pda at relos.. uunahin ko na siguro relos.. nagtitingin na din ako at puro casio yung trip ko.. ayaw ko ng g-shock gusto ko yung pathfinder series ng casio.. [link] [link] [link] [link] [link] kahit ano sa limang yan trip ko.. prefer ko yung 'PAW1300 Series' sana me makita ako nyan dito.. pag sa pda naman.. ok na ako sa xda atom [link] or yung HP Ipaq 6828 [link] parehas lang sila ng specs: intel 420mhz, wm5 etc.. so ayun.. maliban sa pda at relos wala na.. wala na akong balak bumili ng vc kahit sira na video card ko (hindi ako pwede maglaro ng games kundi me mga red/green dots na lumalabas) sabi sa google me sayad na yung memory ng video card.. kung bibili man ako ng video card malamang mga low end na (less than 4k) hindi mga gtx type
Coffee
addict na ako sa kape ngayon.. nag start ako bumili ng grinded beans mga mid-2007.. at balak ko bumili nga mga coffee stuffs next year.. katulad ng grinder, pots at espresso machine etc.. nagbabasa at member din ako sa forum ng coffeegeek (coffeegeek.com) pag dating sa espresso naman paborito ko sa pancake house, figaro, coldstone(ibm plaza 11th floor) at bo's (in order).. hindi ko pa na try sa starbucks at seattle's best.. bakit #1 ko sa pancake house? andami kasi hehe.. ang double espresso nila parang isang cup na.. pag hindi espresso bibilhin ko either black or americano .. walang asukal or cream.. no shits.. pure coffee
Tech
nag start ako mag php5 lately.. pero hindi ko naman nagagamit ngayon since busy ako sa work at hindi din applicable sa work (me nagawa akong isa at gamit sa production).. maliban dun wala na.. ginawa ang php5 as alternative to asp.. sad to say maka microsoft kami sa work hehe.. mcp nga ako pero wala ding silbi.. pero pag me free time ako nag pra-practice ako ng soap (web services).. hirap ako sa wsdl pag walang nusoap [link] ang kelangan ko i-focus ngayon ay windows 2003, ms sql 2005, .net1 at ios(cisco).. salamat sa google ang daming ebooks
Love
going strong pa din relationship namin ni koree nakaka 1yr+ na.. madalas kami mag away pero na aayos din naman.. walang kwenta ang relasyon pag hindi nagaaway diba?.. bumili ako ng batman novel book para sa bday nya at bibili ulit ako ng batman (yung part 2 nun) pang xmas gift siguro ehe

  • Wed Dec 26 2007 01:20:33 GMT
  •     Anything Goes
 

Copyright © 2001-2007 k0n?
webmaster [at] uruha.org