uruha logo - uruha main

villa excellance

pumunta kami kahapon sa 'villa excellance' sa tanza, cavite.. sasabihin ko na hindi maganda don pwedeng biased (hindi maganda experience namin).. una sa lahat ang pangit ng dagat (medyo marumi sya) me mga kalat.. yung sand naman (me mga kalat din).. sa gabi konti lang yung lights (aktwali 1 lang naka bukas).. syempre marami din taong gusto mag night swimming.. uunahan ko na kayo.. hindi lang kami nandun medyo marami din tao.. ok siguro sa umaga pero sa gabi malabo at makati yung dagat.. me mga seaweeds at yung maliliit na beetle (hindi ko alam ano tamang term dito) at makakati mga yun

sa cottage naman medyo tama lang siguro yung presyo (1x bedroom, 1x cr) nasa P2.5k+ sa bedroom pwede siguro 4 dun (2 sa kama 2 sa sahig) yung cr typical cr parang sa mga low class restaurant.. hindi madumi at hindi den malinis.. yung tipong 'tama' lang.. walang shower sa cr.. mas ok pa maligo sa 'public cr' nila.. sa public cr naman medyo marumi yung sahig at yung mga tiles sa gilid (yan yung nakakahiya) sa susunod pipicturan ko para makita nyo yung sinasabi kong madumi.. tapos sa public cr me sira pang toilet hindi den nag flu-flush kelangan mo pa buhusan ng tubig para mag flush (me isa nga dun tinamad na siguro mag flush naiwan yung jirbaks nya)

sa presyo ng pagkain wag ka na.. mas malala to (grabe presyo).. kaya kung pupunta man kayo dun siguraduhin nyong me baon kayo presyo ng cup mami nila P40.. simpleng tsinelas (spartan) P100.. coke in can P25 (eto pwede pa).. c2 500ml P25 (pwede pa) pero mga presyo nila taga pa din... 24pcs. sanmig light P744 (P31 light P28 pale).. sobrang taga

enjoy naman dun.. aktwali mag eenjoy kayo kasi 'kayo kayo' ng mga office mates/kaibigan/pamilya hindi yung 'beach experience'.. wala na sa list namin yung 'villa excellance' kung 'beach' lang ang paguusapan..

  • Sun Jun 10 2007 23:46:43 GMT
  •     Rants
 

Copyright © 2001-2007 k0n?
webmaster [at] uruha.org