ulan, fx
sawakas pang umaga na ulit ako.. nakakasawa mag pang gabi.. nung una gusto ko.. pero taena di kaya.. mahirap matulog sa umaga at di maganda sa health pag gabi.. kasarap talaga ng kinakainan kong papaitan sa makati lalo na pag tanghali (parang bagong luto) pag sa gabi parang pinainit nalang.. sa tanghali pala 2 lang kinakain ko yung blue marlin na tig P60 or P80 o kaya yung papaitan P60.. dalawa lang kasi trip kong ulam nila.. da rest shitty foods na.. after kumain ng tanghalian bumibili ako ng 1liter green c2 P41 (pag walang green wag na).. oo mahal yung c2 pero gusto ko e..
bukas may meeting kami sa smart (ito ayaw ko mga meeting meeting).. well.. pag bigyan once lang naman siguro to
hindi na din ako nag ba-bag lately (mabigat e nakakatamad).. tapos pinagiisipan ko kung bibili pa ba ako ng laptop (hindi na siguro.. kasi mabigat sya at pang porma lang.. may pc naman ako sa opis at bahay e) tamad ako mag dala ng mga bag or laptop or shit (payong pwede pa).. ang mahalaga lang naman dala ko yung usb ko.. nilalagay ko sya sa coin purse (para di mawala)
kanina buti nalang nasa waiting shed na ako.. tapos bigla umulan ng malakas mga 30mins din ata yun.. tapos nung huminto ulan sakto dumating yung fx.. tapos itong si driver parang baguhan pa (sa edsa dumaan) alam naman natin na traffic talaga sa edsa dun pa sya dumaan.. yung iba kong sinasakyan na fx hindi sa edsa dumadaan.. dun sila sa tulay ng makati tatagos ng san juan, timog, quezon ave, tapos philcoa.. medyo mabilis yung routa na yun kaso problema pamatay sa manibela.. kung saan saan liliko hehe.. anywayz basta makauwi at maka-kain sa paresan.. campto soup rulez






