I bruise easily
Kinurot ako ni Odin07. Masakit.
Ang mga detalye:
Katatapos ko lang gahasain ang isang mangkok ng beef briscket rice at apat na pirasong siomai na inihain sa'kin ng poging poging waiter ng Mongkok.
At hindi ko rin mabilang kung ilang galon ng tubig ang nalagok ko.
Bastah! Ang sarap. Nabusog ako.
Sa sobrang kabusugan ay napasandal ako sa board sa likod ko. Habang nakasandal ay nakipag usap muna ako kay Odin07.
Jerbax. Agents. NSA. Secret Services. Politics. Hair styles. Kung anu ano ang pinag uusapan namin. Magulo.
Sa sobrang gulo, hindi ko matandaan kung bakit n'ya ako kinurot.
Siguro may itinanong s'ya at sinagot ko na naman ng pabiro. ***
Lagi ko kasing ginagawa yon. *** /me looks at the horizon
Masakit pala mangurot si Odin07. Hindi ko akalain na GANON kasakit.
Sabado ng tanghali nya ako kinurot, pero...Lunes na ngayon, masakit pa rin ang spot na yon sa kanang braso ko.
Nagtataglay pala ng ganong lakas si Odin07. Hindi kaya isa syang superhero? *flips my long hair*
Hindi ko naitago ang katotohanan kay Odin07 na masakit; At hindi ko rin tiyak kung dahil sa "sakit" kaya ako napa "kanta".
Sabi ni Odin07, payat daw ako. Kasalanan ng payat kong braso kung bakit ako nasaktan. Ibang klase din ang logic no? Gusto ko na syang sabunutan.
SHE'S NOT TAKING THE MATTER SERIOUSLY. I'M DEEPLY HURT, AND MOST OF ALL BRUISED!
Hindi kaagad nag sorry si Odin07. Nag uumpisa na kong maniwala na ako ang may kasalanan - ANG PAYAT KONG BRASO.
Pero...HINDI. Nananahimik ang braso ko at KINUROT NYA KOOOOOOOO!!!!!!
SHE'S THE DEVIL.
Hindi ako makapaniwalang si Odin07 pa ang magbibigay sa'kin ng ganong uri ng PAIN.
Masakit.
Lunes. Nabanggit ko ulit na masakit pa rin ang braso ko kay Odin07. Don lang siya naniwala na masakit pala talaga. Napaka walang puso talaga.
Nag sorry sya Ü At bilang pampalubag loob at PR move na rin eh nagpahabol pa sya ng statement:
"Iiwasan na kitang kurutin or panggigilan."
Tapos biglang naisip ni Odin07 yung kantang Pinch Me ng Barenaked Ladies.
Hmm Hindi nya daw ako ulit kukurutin. Sana. Cool.
-End-
*|<0n mode off*






