Archive

Posts Tagged ‘cyclone’

no post

May 31st, 2011 admin No comments

medyo matagal na din yung huling post ko.. hangang sa namatay na yung hosting (mochahost) hindi ko sila mare-recommend parati kasi nag dodown ngayon nasa arvixe na ako nakikihati sa hosting hehe.. so far ok naman yung arvixe (sa windows plan) hindi ko pa na try yung linux..

ang last ko nailagay sa blog ay galing kami sa bohol.. after non bumili ako ng canon 7d (gamit ko dati 1000d) nagustuhan ko yung 7d tapos bumili din ako ng canon ef 70-200 f/2.8L (non is)

nag company outing din kami nung feb sa boracay.. dala ko mga gear ang bigat at hindi din naman maganda mga shots ko hehe.. hindi ko din nagustuhan boracay maraming tao at hindi ganon kaganda dagat (siguro kasi peak season) ang dami din kainan katulad ng yellow cab, starbucks, andoks at kung ano ano pa.. puro shit naman bihira/wala ako nakita mga native na kainan ang dami ding bakla sa gabi at ang target nila mga puti hehe.. anyways shit doon

pagkabalik sa maynila binenta ko yung 70-200 masyado kasing mabigat hindi para sa aken yun hehe.. nalugi pa ako ng 1k.. pero ayos lang at least alam ko na yung range nya.. tapos bumili ako ng ef 28-105 f/4L

pagkatapos ng boracay nag cebu ulit kami ni koree.. imbes sa bohol/mactan nag bantayan naman kami.. maganda doon 100%.. unang pinuntahan namin na resort ay sa sta. fe beach club.. isa lang din masasabi ko.. “shit” din doon malapit na sa pier wala pang mapupuntahan katulad ng kainan at kung ano ano pa.. pero masarap pagkain nila.. yung presyo naman ng pagkain ay tama lang.. kinabukasan lumipat agad kami.. sa budyong beach resort naman.. unang cottage nakuha namin medyo malayo sa beach (well malapit ilang steps lang mga 20 siguro).. tapos nakita namin nililinis yung isang cottage sa beach front.. kinuha na agad namin yun.. malapit lang sa beach mga 8 steps siguro hehe.. maganda doon sa budyong kasi malapit sila sa mga kainan.. konting lakad lang.. paborito ko na kinakain dun ay yung matigas na manok (native na matanda) as in matigas talaga parang kumakain ka ng goma.. meron din masarap na steak (sa moby dick) at masarap na pizza (sa tristan).. sigurado ko babalik ulit ako doon

nag plane pala kami papunta bantayan at pauwi imbes na roro/banka.. merong direct mactan -> bantayan.. 6 seater jet.. 1,500 per head nga lang.. pero mabilis mga 30mins lang at hindi mataas ang lipad.. makikita mo view sa baba..

pag balik maynila binenta ko 7d (nalugi ako ng 4k) ayaw na ayaw ko ibenta 7d kasi maganda sya natutuwa ako sa movie mode.. pero parang hindi para sa aken yung 7d pang sports yung cam hindi naman ako mahilig kumuha ng sporty subject.. at hindi ko din malaman kung ano gusto ko.. nag dedecide ako kung full frame ba o handycam nalang.. still di nalang muna ako bumili

after 1 week naman nag company outing ulit (management only) sa singapore naman kami.. well isa lang masasabi ko mahal masyado sa lugar na yun.. ang tubig e aabot ng P90.. wala din namang dagat doon so shit din.. puro gastos lang pero buti nalang libre ang trip.. natuwa lang ako doon sa universal studios.. ang saya ng cyclone.. dala ko pa nga yung digicam habang nakasakay don.. buti hindi ako sinita.. kaso palpak din sa sobrang alog at paikot ikot hindi na save ang video hehe.. maliban sa cyclone lahat shit na.. pwede na yung the mummy.. pero mas masaya yung cyclone.. tapos nag malaysia din kami (well para matatakan lang siguro passport).. sa malaysia naman uh parang pinas.. kaso puro bumbay/jihadist o kung ano  man itawag sa mga yun.. nagustuhan ko din yung hotel namin sa singapore.. parati lang ako sa banyo (kasi may hot shower) may time nga 2 oras ako naka upo doon…

pag ka uwi sa maynila heto na tambak sa trabaho…