Archive

Posts Tagged ‘happy’

eastwood – gimik – sizzling pepper steak

July 17th, 2010 admin No comments

pagka galing ko sa opisina kanina dumeretso ako sa eastwood (yes, pumasok po ako) .. pinuntahan ko si koree sa cookbook kitchen at kumain na din ako.. as usual ang una kung titignan sa restaurant ay mga steak nila.. tinikman ko yung general steak nila.. isa lang masasabi ko taste like shit! (nasayang lang P360 ko) bago ko inorder ang steak tinanong ko yung waiter kung ito ba ay grilled (sabi nya oo) edi sige.. nung dumating na patay anlata na parang ni microwave lang at ang tamis!.. inubos ko lang yung kanin at pina-takeout ko nalang (prituhin ko nalang sa bahay masarap pa) at least alam ko na shit ang steak nila (may kanya kanya tayong taste pero para sa aken shit talaga)

pagkatapos kumain lumibot kami sa eastwood (matagal na ako di nakapunta dito at lumaki na yung lugar) naghanap ako ng audio shops pero 1 lang nakita ko at hindi maganda mga binibenta nila.. tumingin na din ako ng mga lcd (marami nagbebenta ng samsung, ang target ko talaga ay lg) tumingin na din kami sa tiangee at nagutom ako sa kakalakad.. hindi pa din nawala yung bad experience ko sa steak ng cookbook kitchen.. pero steak pa din nasa utak ko.. so ano bang meron na steakhouse sa eastwood? isa lang nakita ko.. si best friend sizzling pepper steak.. hindi na ako nag dalawang isip.. moooooove

as usual paborito ko sa kanila yung tenderloin (sawa na ako sa ribeye).. sulat agad ako ng order at pina well done ko.. dumating na yung steak.. nag inspect mode ako… kulang pa.. well done ulit.. dumating ulit yung steak.. inspect.. pwede na!.. lamon agad syempre.. kulang pa isang order ng tenderloin pero sinabihan ako ni koree na hinay hinay lang sa beef.. sige stop na.. next time nalang hehehe

sa wakas akoy nabusog at kumpleto nadin ang araw

ika nga ni enrile.. gusto ko happy ka
sizzling pepper steak